Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"gayong" poems
Hindi ko pwedeng pagpilitang inumin Hindi maganda ang epekto sa akin Parang pag-ibig ko na pinagpipilitan sa’yo Gayong sa huli masasaktan lang ako
0
Nov 30, 2015
Nov 30, 2015 at 12:37 AM UTC
Kape
Paka-isipin ang bawat salitang sasambitin Bigyan ng pansin ang aking damdamin Hindi mo man pansin sa isang minuto lang masaya kong araw ay natakluban na ng lumbay Dahil sa prangka **** bibig Na makabasag araw! Sa buka ng bibig Tagos sa puso't isip Sabay sayong halakhak ang aking pagtangis Sana'y pinag-isipan ang bawat letrang binitawan At sana'y batid mo na ako'y nasaktan At makulay kong araw ay lumisan na ng tuluyan Magandang samahan ay Inagus na ng luha Patungo sa pusong may patlang sa gitna Sanhi ng iyong salita Na tumusok sa gitna Ng aking pusong noo'y banal At buo pa ng pagmamahal ng isang tunay na pamilya Ngayo'y ikaw pa ang galit at ako pa ang sinisi Winika mo pa na akoy sensitibo't Madaling masaktan Gayong ikaw ang may kasalanan At maysanhi ng aking kalungkutan.
0
Jul 2, 2017
Jul 2, 2017 at 12:42 AM UTC
May Laman Ang Salita
Tinatamad ako hindi ko magawang tipahin ang tiklado ng aking computer. Inaantok ako malamang kinakapos ng oxygen ang utak ko kaya ganito. Pero ang diwa ko’y gising at gustong sumulat ng tula hindi ito nakatulala. Anong tula ang susulatin ko? Tungkol ba sa’yo at sa pagsinta nating tuyo? O patungkol sa bayan kong minamahal na walang utang na loob sa malasakit ng iba? Ang bayan o ang aking pag-ibig sa’yo alin sa dalawa? Ewan ko nalilito ako. Pareho kayong mahalaga, pareho ko kayong mahal, pero alam ko na pareho din kayong mawawala. Bakit ko sasayangin ang aking mga salita? Bakit kailangan ko pang ialay ang bunga ng aking kaisipan kung sa bandang huli ito ay mawawalan lang ng saysay? Hayaan **** mag-diskurso ako kahit sandali lang mahal ko. Ilan tula na ba ng aking sinulat para sa bayan kong sawi at laging alipin ng mga walang turing at pakundangan, may nangyari ba? Wala naman diba? Walang saysay ang pagliyag ko sa bayang ito na laging lumuluhod at sumusunod sa mga dayuhan. Itong bayan na sa kabila ng kanyang paghihirap at dalita ay laging nangangamuhan at humahalik sa paa ng mga kapitalistang ganid. Ang bayan ng mga taong mahirap paniwalain sa totoo pero madaling bolahin ng mga pulitikong hunghang. Ito ba ang bayan na aking iibigin? at ikaw naman mahal ko Batid mo'ng iniibig kita alam mo yan pero para saan ang aking pagliyag sa’yo kung mawawala ka rin sa akin? Oo naman nasasabik ako lagi sa’yo, gusto kitang yakapin, halikan at makasiping sa buong magdamag hanggang sa bukang-liwayway. Pero hanggang kailan ako mananaginip ng gising at mananabik saiyong piling gayong alam ko na hindi ka naman talaga magiging akin sa habang panahon? Marami ba akong tanong? Pasensya kana ganun talaga ang isang makata, nabubuhay s’ya gamit ang mga salita at tandang pananong. Pero sige magsusulat ako ng isang tula para sa’yo at para sa bayan ko. Magsusulat ako kahit alam kong walang magbabasa nito. Magsusulat ako at aasa na parang hangal, aasa na may babasa at maniniwala sa aking mga salita. Ipapahid ko ang utak at damdamin ko sa papel na tulad sa isang nababaliw. Magsusulat ako dahil tungkulin ko ito, magsusulat ako dahil alipin ako nito, magsusulat ako dahil ito lang ang alam ko at higit sa lahat magsusulat ako dahil ito ang buhay ko. Iaalay ko sa’yo mahal kong marupok at sa’yo bayan kong walang utang na loob ang aking tula kahit inaantok at tinatamad ako.
0
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 1:58 AM UTC
Tinatamad ako

Continue reading...
14
Napapagod na akong tumingin sa Facebook ko. Sa dingding ng mga masasayang larawan ng mga kaibigan, katrabaho Sa dingding ng mga opinyon na nagdudulot ng masalimuot na pagtatalo Sa dingding ng mga tagumpay na nakamit mo sa pagsusumikap mo Sa dingding ng mga narating **** lugar na sobra na ang layo Sa dingding ng mga video ng pagbigkas mo ng tula sa harap ng maraming tao Sa dingding ng mga sandaling iginapos mo para ipamukha sa akin na ang buhay ko ay pagkabaho. Salamat sa mga larawan ng masasayang sandali kasama ng iyong kabiyak ng inyong matamis na pagmamahalan, na sa sobrang tuwa gusto mo nang umiyak Nang matuloy kayo sa simbahan, oo na, marami na ang nagagalak Eto na ang puso ko, wag ka nang mahiya, tuhugin mo na ng itak. Salamat sa mga opinyon mo tungkol sa paborito **** kandidato Wala ka na atang ibang ginawa kung hindi halughugin ang Internet para sa bawat artikulo Para isulat sa dingding mo kadikit ng mga opinyon **** walang humihingi, kahit na sino Para kang teacher ko na may dalang nutri-bun na isinasaksak pilit sa akin kahit sukang-suka na ako. Salamat sa mga salita ng pasasalamat na binibigkas mo kung gaano kadaming biyaya ang ipinagkaloob ng Bathala sa iyo Sa bawat tagumpay na nakamtan mo sa napili **** trabaho Naitatanim ko tuloy sa aking isip, kung bakit ang layo mo gayong sabay lang tayo? Pasensya na, malamang sa inyo ay may natatamaan ako Wala akong planong durugin ang kahit na anong ugnayan ko sa inyo Gusto ko lang banlawan, langgasin ang nalalasong utak at puso ko na pinapatay ng Facebook sa tuwing titignan ko ang mga dingding ninyo. Kung gaanong ipinararamdam sa akin na sa paninindigan ako ay wala Na hindi ko kaya maglahad ng opinyon kasi walang papansin, walang maniniwala Dahil maraming beses na akong naging tapat noong ako ay nasa highschool pa Wala akong naging kaibigan. Narinig mo? Wala akong kwenta. Kung gaanong ipinararamdam sa akin na hindi na ako makakarating kahit saan pa. Kasi pinili kong manatili, kahit mainit, kumpara sa ibang bansa Dahil nanuot sa aking dila na hindi ko kayang makipag-usap sa kahit na sinong banyaga Kasi palpak ang Ingles ko. Narinig mo? Wala akong kwenta. Kung gaanong ipinararamdam sa akin na mamamatay akong mag-isa Na hindi ako magkakaroon ng pagkakataong lumigaya Dahil sa pinalagpas kong sandali, ay hindi na mauulit pa Dahil wala akong kwentang lalaki. Narinig mo? Wala akong kwenta. Sobrang baba na ng pagtingin ko sa sarili ko. Ang tanikalang gamit sana para makipagugnayan sa mga kakilala ay tila naging isang angkla na humihila sa mga paa ko pailalim sa karagatang puno ng mga pusong natalo Nabigo sa pag-ibig, sa buhay, at sa kahit na ano. Kaya lalayo na ako sa mga dingding ninyo. Hindi na ako papayag na manatiling tumatanggap na lang ng kahit na anong ipapaskil mo. Tatakas ako sa mga rehas na nilikha ng mga masasaya ninyong minuto Magtatayo ako ng sarili kong dingding. Bubuuin ko ang aking pagkatao mula sa pagkakapira-piraso.
0
May 24, 2016
May 24, 2016 at 8:55 PM UTC
Dingding

43
Tinanong ako ni Annah Kung maayos na tayo Ang sabi ko Ayon, normal naman. Normal Kelan pa tayo nauwi sa normal nalang? Ah. Naaalala ko na. Nagsimula tayong maging normal Nang isang araw hindi mo ko matingnan sa mata Ni hindi mo ko makausap kung hindi ka titingin sa baba At kapag naman kailangang ikaw Ang unang magsisimula ng usapan Dinaig pa ng kapal ng usok sa kalakhang Maynila Ang nakaiilang na atmospera Sa pagitan nating dalawa. Nagsimula tayong maging normal Nang hindi na tayo nagsasabay umuwi sa hapon Nang simulan **** isipin na ayos lang na umuwi nang walang paalam May kasabay ka kasing iba. Nagsimula tayong maging normal Nang nahihirapan na kong Magsimula ng usapan sa pagitan nating dalawa Sa kung paanong sinasalamin ng Messenger sa pamamagitan ng ellipses Ang mga katagang nais ko sayang itanong sa iyo Ay sandali, online naman si Annah, siya nalang ang tatanungin ko (Pwede kaya kong sumabay sa kanya?) Wag na nga. Alam ko naman ang patungo doon. Nagsimula tayong maging normal Nang tanungin mo ang kagrupo natin sa kung ano ang gagawin Gayong ako na kagrupo mo rin ang nasa iyong harapan Pumunta ka pa talaga sa kanya Ganyan ka kailang? Normal naman sa atin ang hindi mag-usap nang madalas, hindi ba? Normal lang naman kung makakalimutan **** may katulad ko Na bukas palad na tinanggap ka Noong mga panahong durog na durog ka na, hindi ba? At bahagi din ng pagiging normal natin Kung mas pipiliin **** burahin nalang ang mga nakaraan natin, hindi ba? Nilalamon ka ng kalungkutan. Nasasaktan. At isa akong napawalang kwentang kaibigan Kasi hindi kita napatahan Sa mga panahong tahimik **** isinisigaw Ang mga bagay na sa tingin mo ay walang makauunawa Wala akong karapatang masaktan Kasi hindi ako naglakas-loob na tanungin Kung anu-ano ang mga bumabagabag sayo Hindi ko dapat indahin ang sakit ng pang-iiwan mo sa akin Gayong para na rin kitang iniwan Nang hayaan kitang unti-unting kumalas sa pagkakaibigan natin Wala akong karapatang manumbat Kasi hindi ko man lang sinubukang tanungin Kung ano nang nangyayari sa iyo Kaya mo pa ba? At hinding hindi ko rin aangkinin Ang karapatang sa una'y wala na sa akin Na maging sandalan mo Sapagkat hindi ko man lang nasabi Na ayos lang na ikaw ay humugot ng lakas sa akin Ayaw mo, oo Kasi sa tingin mo pabigat Ayaw mo, oo Kasi sanay ka na sa demonyong kalungkutan Na paulit-ulit lumalamon sayo Minsan nawawala, ngunit laging bumabalik Pagbalik-baliktarin ko man ang sitwasyon Hindi lang ikaw ang nang-iwan Iniwan din kita Iniwan kita Patawad Patawad Pakiusap, patawarin mo ko. Madaling makalimutan ang mga magagandang bagay Ngunit mahirap iwaksi mula sa makulit na isipan Ang idinadaing ng pusong nasugatan at patuloy na nahihirapan Kaya bilang pakunswelo sa tulad kong nagmahal sayo Iniisip ko na lamang na isa ako sa mga magagandang bagay sa buhay mo Kaya madali mo 'kong nakalimutan. Huli kong bulong sa sarili 'Ayos lang 'yan. Makakausad ka rin. Magtiwala ka.' Uusad at uusad ka rin. Kaibigan, patawad ulit.
0
Nov 1, 2017
Nov 1, 2017 at 1:56 AM UTC
Hindi Ka Patas (Tangina, magkabukol ka sana.)

81
Hindi ka isang pagbibiro dala ng aking ibang katauhan Sapagkat simula't sapul pa man, batid kong mararamdaman ko ang ganitong halimuyak. Nalaman kong awitin ang pinakamalungkot na sonata, Sumayaw ako sa walang saliw at indayog na musika nang parang baliw sa kalsada. Higit sa lahat, nag-agahan, nananghalian, nagmeryenda at naghapunan ako ng luha, kalungkutan, pagdadalamhati at pagsisisi. Ikaw ang dahilan nito, dahil sa pag-ibig na napagtanto ng hungkag na isipan. Noong mga panahon, wala akong pakialam kung bitayin man ako ng sarili kong kahinaan at panglilimos. Ilang pagkakataon ba ng pagnanakaw ng kasiyahan ang ipinagkasala makasama ka lang? Hinayaan ko ang sarili na tumalon, mahulog, at lumagapak mula sa mataas  na bangin gayong batid kong di mo rin naman ako kayang saluin.
0
Mar 2, 2016
Mar 2, 2016 at 11:53 PM UTC
Untitled
Ang unang halik ay ninais maging wagas Tulad ng pag-ibig sayong hindi pa rin kumupas Sinabing mo saking walang pagtingin Tinapos ang lahat at tinapon sa hangin Ngunit, sinta, ano ito? Isang halik ng impokrito? Bakit idinampi ang mga labi Gayong umalis ka na sa aking tabi? Isa ba kong laruan sa'yong mga mata Na magbibigay saya sayo kapag malungkot ka na? Napakadaya mo naman, sinta. Hindi mo ba naisip na ako'y nasasaktan na? Sabihin mo sa akin, aking mahal. Ano ba ang katotohanan dahil ako ay nakagapos at sakal **Sa magkasalungat **** salita at gawa** Na hinahagupit ako ng walang awa.
0
Nov 3, 2015
Nov 3, 2015 at 8:47 PM UTC
Halik
Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan,
 Sapagkat hindi ko makalimutan ang mga pinagdaanan,
 Palimos naman ng pagtingin mo,
 Bigyan mo ako kahit na kapiraso. Ni minsa'y hindi mo tinanong kung ano ang lagay ko, Pagkaing mga niluto mo ay hindi mo hinahain sa harap ko,
 Lumaki akong may hinanakit sa buong mundo,
 Kung tutuusin, itong lahat ay kasalanan mo. Kung minahal mo lang sana ako at tinanggap,
 Hindi ka na sana nahihirapang magpanggap,
 Sa ibang tao kapag ika'y nakaharap,
 Walang bakas ng kahit na anong pangyayaring masaklap. Ang tanong ko palagi'y bakit binuhay mo pa ako? Gayong palagi mo namang ipinadarama na hindi mo ako ginusto,
 Kahit anong galing, kahit na anong pagbida ang gawin,
 Pipikit ka upang hindi mo ako mapansin. Hindi mauubos ang aking mga bakit,
 Dahil sa kabila ng lahat ay mahal kita kahit na anong sakit,
 Sa aki'y ipukol mo ang lahat ng iyong galit,
 Sasaluhin ko ang hinaing sa mundo **** mapait.
0
Apr 12, 2016
Apr 12, 2016 at 5:45 AM UTC
Aking Ina..
Huwag **** paunlakan pagka't di naman ito ipinagtutulakan huwag mo ring masamain pagkat di lang naman ikaw ang puwedeng naisin isa lamang siya sa mga mata, na nakakakita kung ano man ang puwedeng mahalata tingin ko mas dapat mo pa ngang ikasaya pagkat sa iyo'y mayroong humahanga ang binitiwan **** salita ay hindi puwedeng gumana sa isa naniniwala akong nakaramdam ka din, kaya ka dumistansya ngunit bakit mo pa ito kailangang ipahayag sa amin? gayong walang kalasag na proprotekta sa kanyang damdamin. ako'y hihingi ng tawad kung ika'y nasaktan ngunit huwag **** ipagkait itong aking kahilingan, na kung sa susunod ay muli mo itong maranasan, maari bang huwag mo na itong lakasan?
0
Aug 9, 2015
Aug 9, 2015 at 7:15 AM UTC
Huwag mo na itong lakasan
Minsan na bang naglaro sa iyong isipan na sa bawat araw na nagdaraan ikaw lamang ang mayroong kakayahan na makapagpatakbo sa iyong kinabukasan? Mula sa pagmulat ng iyong mata, sa liwanag na iyong nakikita; ikaw ba'y nagtataka? Na bakit ang isang katulad mo ang nabiyayaan na makapaglakad sa mga malamig na sementadong daan? Gayong sa iyo naman ay walang kakaiba. Teka, wala nga ba talaga? Sa bawat dugo na pinahintulutang sa iyo ay dumaloy malaman mo sanang nalunasan mo ang aming panaghoy Huwag mo sanang isipin na nawawalan ka ng karamay sapagkat ako'y narito, handang iabot ang aking kamay Sa iyong mga mata, nawa'y masalamin ko pa ang kinabukasan ang ngiti sa iyong mga labi, huwag sanang lumisan sapagkat, kaibigan narito kami upang ikaw ay tulungan Sabay nating hintayin ang hinaharap, baka sakaling doon ay matapos na ang paghihirap
0
Aug 15, 2015
Aug 15, 2015 at 2:00 PM UTC
Ki·na·bu·ka·san
Ako'y natatawa sa'king nakikita Lahat ay naging makata pagkatapos ng 100 tula para kay Stella, Paggawa ng isang akda'y hindi ko minamasama, Sadyang nagulat lamang ako nang mabasa ang katha ng isang kakilalang itinatakwil ang larangan nang pagsusulat, Sinasabi nilang sila'y katulad ni Fidel, mahilig magsulat pinglalaruan ang bawat salita Ngunit bakit taliwas ito sa'king nakikita? Gayong piyesa nga nina Balagtas, Rizal at Bonifacio ay iyong sinukuan? Lumikha nga ng isang simpleng sanaysay iyong minumura, Sinasabing "Ano ang kahalagahan ng tugma't taludturan?" Kaya sabihin mo nga saakin mahal na kaibigan, nararapat ba talaga kitang tawaging isang manunulat?
0
Aug 22, 2017
Aug 22, 2017 at 8:11 AM UTC
Sumusunod sila sa Uso (100 Tula Para Kay Stella)
i just can't remember the exact date but yes i can still recall when was the time i saw you walking across that aisle because from then on i found you sublime what a sunny day on that very moment and it so funny that i was born as if my dark skin felt so dry unto your look so wet yet the significance of essence was relevant when we get inside hand in hand you and i meet and greet so sigh wala akong ibang inisip kundi ang paano kita mapapangiti nang mayroong kislap sa iyong mga mata gayong sa mga hugot at banat hindi handa yaong mga piraso at piyesa nitong mabulaklak kong dila nagkusang tumimo sa aking puso dahilan para makasumpong ng sulo sa sandaling matamang kong napagmasdan malinaw kong imahe habang ako'y iyong tinitigan wala pa akong sinasabi noong tayo'y nasa hapag-kainan wala mang nakahain,sarap-sarap na ng ating mga tawanan as a matter of fact we don't care about clock as we alter our talk in the middle of flock minamahal kong dalaga naa-alala mo na nga ba? how much we had important fun on that prominent fast food-chain iyon yung mga panahon nawala ako sa talababa!
0
Dec 30, 2018
Dec 30, 2018 at 9:27 AM UTC
" jolly bee "
Alam kong umpisa na ng tag-init diyan. O baka lingid sa kaalaman ko'y sa susunod na linggo pa o kalaunan. Ngunit kung paano ang tag-init dyan o gaano kainit ay hindi ko alam. Paano ang tag-init dyan sa inyo? Gaano ka-init ang mainit diyan sa bahay mo? Sana'y naaarawan ka ng sapat at tama, sana'y palaging malusog ka't masaya. Alam mo bang tag-ulan na rito ng Hunyo? O maaaring para sayo ay patak pa lang, o marahil mga mumunting tulo. Ngunit kung gaano kaginaw o paano ang tag-ulan ay hindi mo alam. Gaano kaginaw, gaya ba ng taas ng baha? Paano ang patak ng ulan, tulad ba ng luha? Sana'y bagyuhin at tangayin ang mga mali, sana'y mawala na ang alaalang gipit. Alam kong tag-init na pag Hunyo sa inyo. Ngunit alam mo ba talaga kung gaano ka-init kung ikaw sana'y narito sa silid ko? Alam mo ba ang tunay na tag-init, gayong di mo pa nararanasan sa bisig ko? Hindi mo malalaman kung gaano kainit ang mainit hangga't ika'y wala sa tabi ko. Ang tunay na tag-init ay nasa aking piling. Alam mo nang tag-ulan na rito ng Hunyo. Ngunit kung malalaman mo nga kung gaano kaginaw, tulad siguro ng paghagkan sa bloke ng yelo. Alam mo ba ang tunay na tag-ulan, tila mga patak ng luha kung mawawala ako. Malalaman mo kung gaano kaginaw ang maginaw kung mawawala ako sa buhay mo. Ang tunay na tag-ulan ay ang aking kawalan.
0
Jun 5, 2024
Jun 5, 2024 at 3:55 AM UTC
Hunyo Sa Inyo
Matagal nang nagsimula at patuloy na umiiral Ang ating matinik na pakikipamuhay sa ating bayan Palagiang nasasadlak sa karalitaan Ang dugo ng kabataan, alay sa kasarinlan Tayong mga bulag, sa siyensiya at kapalaran Sa pagmartsa ng kalabang hindi natatanaw Naulit ang kasaysayang may isang kurso at galaw Bala para kay tatay ang anak ang namatay Bumagsak ang ekonomiya Lumambitin sa aming mga leeg Iniasa ang pagtaas sa aming mga bisig Habang si Alejandrino dumarami't nagbubuntis Ang batang henerasyon Patuloy na nililitis Kung ganun, Huwag ninyo kaming pababayaan, Paglustayan, paghirapan At pakikinabangan Sa gayong mga pumalya at matatanda Ay may aakay Walang huhugot sa Inang bayan- Kundi kaniyang kabataan
0
May 29, 2020
May 29, 2020 at 12:54 AM UTC
JOVEN HERNANDO
Walang labis, walang kulang, Kung magliyab ang pluma kong laging natatakam, Mga salitang lilikhain nito'y namumutiktik sa sabik, Malinggal ang dila, nagagalak kung maghasik. Madalas ay parang lantang gulay, Kung gumuhit ng salita ay matamlay, 'Di matuka ng uwak kung ialay, Minsa'y kulang-palad kung panlasa'y 'di bagay. Sa tuwing hahampas ang higanteng salot, Rubdob ng damdamin ay mapusok, Tatamuhing sugat ay balon na 'di maabot, Pilat ay siyang mararanasan, patawad ko'y suntok sa usok. Minsan nama'y isang mapagtangis, Ulan sa ulop katumbas ay luhang hitik kaysa pawis, Ipapatalos sa huwad **** puso ang nalasap na pait at sakit, Sa pluma ko'y tutungayawin ka't isasakdal sa piitan ng malasahan mo rin ang pait. Hindi na sapat ang galak na malalasap, Gayong panulat at puso'y nakaranas ng dusa at alat, Naglahong bula ang hiwaga nitong kaibuturan ng pusong marilag, Sa pinta mo'y nagmistulang kahabag-habag. Umpisahan mo ng pumikit, ng mahagilap mo rin ang sinapit, Madalas man akong matinik , sayo'y hindi na iimik, Nitong plumang binuling at pinatulis ko sa inani ko sa'yo, Ngayo'y kakikintalan mo ng hayag na masakit ngunit pawang totoo. ✍: pensword
0
May 31, 2020
May 31, 2020 at 4:32 AM UTC
BINULING KO'T PINATULIS NGAYO'Y ISA NG MAPANGHIMAGSIK
sinampal ng reyalidad 'di tayo magka-edad eh ano naman? sambit ng rebelde basta 'wag ka ng manangis sayang ang agos ng ilog may pag gagamitan ka nyan ako'y malapit na pagmasdan, mas lumilinaw ang 'di sukat akalain unti-unting niyayapos ng panalangin na minsan magiging akin at tatawagin, sasabihin na itong 'di maipaliwanag natuklasan magyabang akin, tayo, sabay aaminin marahil marami nga sila makitid na lansangan tila mga pang-unawa nakahilera ang bawat tanong kasabay ay pagbugso ng ninanais huwag mag alala dalawa ang pag-ibig nakahain at naghihintay sa'yo kahit anong talinghaga sa ating paliwanag, tayo pa rin ang sampid gayong pahirapan ang pinagdaraanan, magkaiba pa rin ang batid ganito kapayak ang pag-ibig ko mahigpit na yapusan; araw araw simple at dalisay matagal namamatay kaya kahit nakakakapos hininga masaya na ako at naaninag ka
0
Nov 8, 2018
Nov 8, 2018 at 11:46 AM UTC
pabango ng iyong mga mata
Nagsisiliparan na yaong mga paniki, hudyat na magsisimula na ang gabi ‘Di nakatakas ang kiliti ng paru-paro sa aking tiyan, gayong maggagabi naman Nakahanda na ang tinola, para sa mga bisitang nais ay ang kamay kong nangangatog Ngunit ‘di lang naman ako ang nanginginig, kundi si Mario rin naman Oh kay malas! Tumilaok yaong manok, nanaginip nanaman pala akong may irog, na liligawan kagaya noong unang panahon.
0
Oct 31, 2020
Oct 31, 2020 at 9:59 AM UTC
Paniki, Paru-paro at Manok
" ang punong tagapagluto " KUNG ANG ISA SA MGA NAKA-ENTRADANG PUTAHE AY HINDE NAMAN TALAGA SADYANG NA-SABUTAHE NA KANINO NGA BA ANG EPEKTO NG PANGYAYARI SA MGA NAKA-TIKIM BA NITO O SA NAGMA-MAY ARI DAHIL KUNG ANG BAWAT SANDOK AY MAY NAGBABANTANG HADLOK ANO PA BANG SIGLA MERON ANG PAGSALOK GAYONG' NAKA-HAIN AY IBA SA IPINAPAHIMOK ILANG SANDALI PA MULA SA MGA ORAS NGANG ITO YAONG APEKTADO AY DAPAT LANG NA MAPANUTO MATAPOS MAGAWARAN NG HATOL BASE SA KARAMIHAN NG MGA GUMUSTO INOSENTE LANG ANG MAGTATAKA SA HAPAG-KAINAN KUNG ITO AY WASTO
0
Dec 24, 2015
Dec 24, 2015 at 10:59 PM UTC
The Night before
Nagpoon ng higopon kan bulan An sulo kan saldang Asin nagsiluwasan na man An mga aninipot para paluwason An kagayonan Asin kamurawayan Kan Kabanggihan Nagpoon naman an pagkalúlà ko Biyong nag-iirikot an payo Maayos pa man ako kan subago Tàno bigla nalang naglain an pagmati ko Sarong lugar man lang an dinumanan ko Sarong tawo man lang an nakaulay ko Tàno ngunyan pang banggi Kun noarin ako mauli An bangging dayupot Sa saiyang palibot Tinawan akong giya An mga aninipot Dai gayong madiklom An sakuyang paglakaw Maski na nililipot An hawak kong putpot Maray nalang talaga Yaon an mga aninipot Sakong giya sa paglakaw Sa bangging malipot Dai ko maintindihan Kun tano birigla nalang Garo ako natalang Ano daw an nangyari sako? An pagmati kong pusog Ngunyan kaipuhan nin kasurog Ano daw kun ako na-usóg? —𝐔𝐬𝐨𝐠, a Bikol poetry.
0
Aug 14, 2020
Aug 14, 2020 at 12:12 PM UTC
Usóg
Bakit ba kayraming naghahangad kumuha ng upuan at mayakyak sa gano'ng klaseng lilingkuran gayong kayraming bangko at monobloc na puwedeng up'an? At kung maupo na'y ano? Di man lang magawang tumayo at tingnan ang kalagayan ng mga taong nakatayo sa harapan na sa tinagal-tagal na panahon ay nanigas na't na-estatwa habang pinanonood kang nakaupo ng komportable sa hangad na upuan.
0
Apr 22, 2019
Apr 22, 2019 at 12:23 AM UTC
Upuan
57 Ngayong nalampasan na ang mga kaaway Susubukin kung pag-ibig gaano katibay 58 Una ay sa binata May pagsubok na nakahanda 59 Kailangan niyang awitan Ng madamdamin ang kasintahan 60 Siya’y nagdala ng plawta Pinatugtog ng mga bibig niya 61 Ang ikalawa naman Ay kargahin si Pina ng matagalan 62 Umabot sa sampung oras Diwata ay nagilalas 63 Sa gayong mga paraan Nakuna na niya ang kasintahan. -07/11/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:53 PM UTC
Ihipna 9 -Pagsubok sa Binata-
Paano ko ba ilalathala ang aking nadarama Kung sa umpisa palang alam kong hindi na tama Ipagpapatuloy pa ba ang pagsintang nais isiwalat Gayong akin ng nababatid na ito'y walang kahihinatnan Tama pa bang mahalin ka Habang ikaw naman ay may minamahal ng iba
0
Oct 22, 2019
Oct 22, 2019 at 9:26 AM UTC
Nagugulumihanan
Hayaan n’yong lumuha ang aking puso. Malungkot na tanawin ang ganitong tagpo:           Hinihiwa mo ang balat ng iyong kinabukasan           at duguan na ang angking kasalukuyan           gayong hindi pa nga naghihilom man lang           ang mga sugat ng mapait nating nakaraan. Subalit masahol ka pa sa putang bayaran na katawan ang puhunan, kapalit ng panghapunan at pagkain sa kinabukasan. Ikaw - dalawa, tatlo, limang daan, kapalit di lang ng iyong karangalan. Idinamay mo pa ang kapakanan ng bayan. Hindi na maaasahan ang dati’y sagradong balota. Karaniwang papel na lamang ito na may mga nakalista At tila tiyan **** nag-alboroto ang diniktahang makina, na kung ano’ng isinubo, siya ring isusuka. Pagkatapos kukulapulan ang daliri ng panandang tinta. Nang humiga ka sa tae, nagmamalaki ka pa:           Sapagkat ang makinang tila kumpisalan,           may kapirasong tari ng makabagong sabungan           na kahit na alin pang mga tandang ang maglaban,           tukoy na ng kristo ang panalo sa pustahan. Tapos na ang kwento’t hindi na totoo ang sinabi ng bayaning ang Pilipino ay karapat-dapat sa buhay na nasasakripisyo. Hindi na. Hindi sa salinlahing ito. Sa darating pang mga kabataan, siguro, sa kanila, magbabaka-sakali ako.
0
Dec 29, 2019
Dec 29, 2019 at 11:12 PM UTC
Hindi Sa Salinlahing Ito
Alam mo bang itong luhang pumapatak saking mata, Nagpapakitang ako'y nasaktan ng sobra, Pero kahit ganito aking nadarama Puso'y ka'y sakit pero mahal parin kita Ilang araw na akong umiiyak Araw araw pinupunasan ang luhang pumapatak, Dahil sa pusong tila ba'y nababasag At buong pagkatao'y nagmistulang wasak Hindi ko alam kung san pa ba ako tatakbo Gayong wala na kong malalapitan pa kahit sino, San ko ba pwedeng ibuhos ang mga luhang to, Wala ng iba kung hindi sayo, ngunit wala ka pano na ako?
0
May 26, 2018
May 26, 2018 at 8:49 PM UTC
"LUHA"
Ang Wall - Sa basa-basa na ulap ang isang balabal ng pagsasara Umuulan sa kalungkutan ng lamig ng umaga Upang shroud sirang kaluluwa kaliwa fractured Limbs katakut-takot sa disarray ng kamatayan Kapag bilang mga lalaki ang kanilang tapang ay naghihintay Takot sa papasok na kawalan ng katiyakan Nakatago sa mga hangin ng kapalaran na mahina Sa malungkot na gabi ng kapalaran Gusto mo ba o hindi na ako pinili? Upang harapin ang iyong kapalaran upang harapin ang iyong mga takot Nakalimutan ang gayong pagkawalang sala 'til ilagay sa ilang mga pader ng luha
0
Oct 15, 2018
Oct 15, 2018 at 5:20 AM UTC
My own wall