Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
angelabsss
angelabsss
29/F/Quezon City ♑
Ang aking unang pag-ibig ay tila ba perpekto, Tila ba ito'y hindi magwawakas hanggang dulo. Ngunit sa isang iglap ito'y nagbago, Dating masayang relasyon biglang naglaho. Nagsimula sa isang bagay na hindi napagkasunduan, Hanggang sa dumami't hindi na mabilang, Naghanap ng ibang tao na pwedeng mapaghingahan, Panandaliang sarap sa iba'y kanya ring tinikman. Kaliwa't kanan na sumbatan, Mga pagkakamaling paulit-ulit binabalikan, Mga salitang masakit na hindi na malimitahan, Tila ba kami'y estranghero at walang pinagsamahan. Ako nga ba? Ako nga ba ang dahilan tulad ng iyong tinuran? Hindi ba't ikaw itong nangloko at ako'y pinagtaksilan? Masaya ka ba sa iyong ginawang kasalanan? Habang ako'y nandito at patuloy na nasasaktan. Saksi ang lahat kung paano kita minahal, Ipinagmalaki at ipinaglaban sa pamilya kahit sila'y hadlang. Hindi sukat akalain na ito'y hindi magtatagal, Relasyon na aking iningatan, ngayon ay isang kwento na lamang.
0
Dec 15, 2021
Dec 15, 2021 at 1:11 PM UTC
Ang Aking Unang Pag-ibig
Saan nga ba patungo ang ating kwentong nasimulan? Ito ba'y aabot sa dulo nang walang hanggan? Tayo kaya'y magiging matatag hanggang sa araw na itinakda, O tayo kaya'y bibitaw rin dahil sa pagsubok na hindi alam kung saan mapupunta. Ang ugali ko kaya'y iyong mapagtitiisan sa mga araw na magdadaan pa, O ako rin ay iyong iiwan at sasabihin hindi mo na kaya. Malalampasan kaya natin ang mga balakid sa ating pag-iisang dibdib? O ito'y hindi mapagtatagumpayan dahil sa sakit at pighati. Sasapat ba ang aking pag-ibig na busilak at hangaring tama? O ika'y makukulangan at maghahanap parin ng iba. Ako sana'y iyong pag-ingatan pati na rin ang aking pusong nagmamahal Sapagkat ako sa iyo'y tapat at walang ibang hangad kundi ang iyong kaligayahan.
0
Mar 16, 2020
Mar 16, 2020 at 1:03 PM UTC
KATANUNGAN
Paano ko ba ilalathala ang aking nadarama Kung sa umpisa palang alam kong hindi na tama Ipagpapatuloy pa ba ang pagsintang nais isiwalat Gayong akin ng nababatid na ito'y walang kahihinatnan Tama pa bang mahalin ka Habang ikaw naman ay may minamahal ng iba
0
Oct 22, 2019
Oct 22, 2019 at 9:26 AM UTC
Nagugulumihanan
Mahal Salamat, salamat sa mga araw na nakasama kita Salamat sa mga araw na naramdaman kong ako'y mahalaga Salamat sa mga araw na ako'y iyong napasaya Salamat dahil binigyan ako ng pagkakataon na makilala ka Mahal Alam kong hindi ako, yung taong makapag-wawasto sa'yo. Alam kong hindi sapat, ang mga bagay na nagawa ko Alam kong kailanman, hindi magkakaroon ng tayo Alam kong mali ako, masyado akong umasa sa mga salita mo Mahal Patawad kung umabot na sa puntong napagod na 'ko Patawad kung hindi ko na tinuloy ang paglaban at bumitaw na 'ko Patawad kung masyado akong naging mapaghangad sa pagmamahal mo. Patawad kung ika'y laging mali sa paningin ko. Mahal Sana lagi **** tatandaan, kung paano kita minahal. Sana lagi **** ingatan ang 'yong sarili, san man magpunta Sana sa mga panahong wala ako, ika'y maliwanagan na. Sana sa susunod na babaeng darating sa buhay mo, iyong pahalagahan na. Mahal Huwag kang mag-alala, kahit gaano pa man karami ang sakit na aking nadama Lagi ko parin ipagdarasal na sana ika'y maging masaya. Hindi ka pa man humihingi ng patawad, napatawad na kita Sa lahat ng aking pagsisikap na iyong binalewala. Mahal Wala akong ibang hihilingin sa maykapal kundi ang 'yong kaligtasan Wala akong ibang hahangarin kundi ika'y matauhan na Mahal na mahal kita, higit pa sa sobra. Mahal na mahal kita, pero siguro tama na.
0
Apr 20, 2019
Apr 20, 2019 at 7:07 AM UTC
MAHAL