Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Hayaan n’yong lumuha ang aking puso. Malungkot na tanawin ang ganitong tagpo:           Hinihiwa mo ang balat ng iyong kinabukasan           at duguan na ang angking kasalukuyan           gayong hindi pa nga naghihilom man lang           ang mga sugat ng mapait nating nakaraan. Subalit masahol ka pa sa putang bayaran na katawan ang puhunan, kapalit ng panghapunan at pagkain sa kinabukasan. Ikaw - dalawa, tatlo, limang daan, kapalit di lang ng iyong karangalan. Idinamay mo pa ang kapakanan ng bayan. Hindi na maaasahan ang dati’y sagradong balota. Karaniwang papel na lamang ito na may mga nakalista At tila tiyan **** nag-alboroto ang diniktahang makina, na kung ano’ng isinubo, siya ring isusuka. Pagkatapos kukulapulan ang daliri ng panandang tinta. Nang humiga ka sa tae, nagmamalaki ka pa:           Sapagkat ang makinang tila kumpisalan,           may kapirasong tari ng makabagong sabungan           na kahit na alin pang mga tandang ang maglaban,           tukoy na ng kristo ang panalo sa pustahan. Tapos na ang kwento’t hindi na totoo ang sinabi ng bayaning ang Pilipino ay karapat-dapat sa buhay na nasasakripisyo. Hindi na. Hindi sa salinlahing ito. Sa darating pang mga kabataan, siguro, sa kanila, magbabaka-sakali ako.
0
Dec 29, 2019
Dec 29, 2019 at 11:12 PM UTC
Hindi Sa Salinlahing Ito

One hundred forty years ago Dr. Jose Rizal wrote that "youth is the hope of the Filipino nation." This year (2019), the Philippines celebrates the 123rd anniversary of his martyrdom. Whereas I agree with him on vesting his hope on the youth, I have doubts on the truth of such hope in the present generation of Filipinos. Here's a rough translation: Not In This Generation Let my heart weep This is such a sad scene: You're slashing the skin of your tomorrow and the present that you claim is bloodied and yet the wounds of painful yesterday has not even started to heal But you're worse than a ********** who lets her body for rent, to pay for dinner and food for the next day. You - two, three, five hundred bucks in exchange for your honor and dignity and the welfare of your nation as well, unfortunately. The once-sacred ballot is not one savior we can rely upon It has turned into an ordinary paper with roster of names listed on And just like your troubled tummy goes the vote-counting machine what you made it swallow, it will gag it whole just the same After the indelible ink stains your finger and nail You're lying down on **** and yet you can brag of your shame For that machine that's like a confessional has a little piece of scythe of fighting ***** these modern times whichever roosters fight on the line the referee in the arena already knows the winners to proclaim. The story's done and it has ceased to be true as one hero said that the Filipino is worth dying for Not anymore. Not in this generation. No. Among the young ones, maybe, my bets I'll throw, on them, I'll try again, I'll have a go.
JunLit
Written by
M/Los Baños, Ph
Dec 29, 2019
Dec 29, 2019 at 11:12 PM UTC
Request permission to use this poem