Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
JDwords
JDwords
19/M/Batangas "Tula ko na para sa lahat, / Sana sayo ay maging sapat"
➖ My status said "read me" Sa dami nang magandang babaeng nakita ko, mukha mo pa rin ang paborito ko. Kahit saan ako tumingin, hindi ko maiwasang hindi ka isipin. Gusto kong nakawin ang buwan sa kalangitan, tsaka ko isusulat ang iyong ngalan. Kapag naisulat ko na ang iyong pangalan, ibabalik ko na ulit ang buwan sa kalangitan. Para sa tuwing titignan nila ang buwan, at sinabing ito'y maganda? makikita nila ang iyong pangalan. Kaya para narin silang humahanga sa iyong katauhan. Gusto ko din nakawin ang bahaghari, isusulat ko dun na ako'y iyong pagmamay ari. Bakit bahaghari ang napili ko? yun ay dahil gusto ko makita ng tao, na makulay ang mundo ko nung dumating ka buhay ko. Pinili kita hindi dahil sa maganda ka, Pinili kita dahil nakikita kong may potensyal ka. Potensyal na gawin **** maganda, ang buhay kong puno ng granada. Sumaya ako nung nakita kitang masaya, ganun naman talaga eh dahil ikaw biyaya. Bihira akong makakita ng babaeng katulad mo, tulad mo na hindi mareklamo. Kaya karapat dapat kang mahalin at ibigin. andito naman ako, hayaan mo lang akong gawin. Gawing magaan at masaya ang buhay mo, sa paraan na ako lang may alam at tiyak na magugustuhan mo. Lahat nang babae ay mahalaga sa akin, ngunit ikaw ay naiiba dahil importante ka sakin. Kung gusto **** umiyak, sasabayan kita sa pag iyak. Ngunit baka hindi kita masabayan tumawa, dahil nung dumating ka sa buhay ko, palihim na akong tumatawa. Nung may makita akong bulaklak na kulay kahel, ikaw agad naisip kong bigyan dahil mukha kang anghel. pasensya na mahal ko dahil nahihirapan ka na sa mundong to, hayaan mo mahal ko dahil lagi lang akong nandito. Sa pamamagitan nang mga salitang ito, pinapakita kong pagmamahal ko sayo'y totoo. Pumangit ka man o tumaba, para saken ikaw parin ay naiiba. Hindi ko sasabihing "handa akong mamatay para sayo'' Dahil mas gusto kong banggitin ang "mabubuhay ako hanggat kaya ko para sayo" Nasabi ko iyon dahil madali lang mamatay, ngunit mahirap manatiling mabuhay. Kaya mabubuhay ako para sayo hanggat kaya ko. Sa magulong mundong ito, po-protektahan kita pangako. kaya sana wag ka nang malungkot, dahil ang puso ko'y kumikirot, Pag nakikita kang nakasimangot
0
Jun 21, 2018
Jun 21, 2018 at 8:51 AM UTC
Read Me

Continue reading...
62
Dati-rati kanta lang yan Kantang pinaka pinanghuhugutan Magdadala sayo ng kalungkutan Magbibiga'y ng bigat sa kalooban. PAGSUKO isang salita Na nagpabago sayo ng sobra Simula ng iniwan ka nya Naging mas matibay kana. PAGSUKO, nag iiwan ng mga katanungan " Bakit nya ba ako iniwan? " "May nagawa ba akong mali para iyong saktan?" "Bakit di mo sagutin ang lahat ng yan?" Puro ka lang salita Hindi mo pala magagawa Iniwan mo ko basta basta? Kasi ano? Kasi sabi mo nahihirapan kana?! Napakadami **** dahilan Pero PAGSUKO lang pala ang kahahantungan Bakit di ka lumaban? Mas pinili **** ako'y saktan. Simula ngayun wag kanang magpapakita 'Wag kanang babalik pa Kasi iba na ako alam mo ba? Di mo na ko mapapaikot sa'yong mga salita.
0
May 31, 2018
May 31, 2018 at 11:36 AM UTC
" PAGSUKO "
Simula nung may minamahal kana Iniwan ko na yang kataga Nandito Ako, sana iyong maalala Nandito lang ako pagnasasaktan kana sa kanya. Simula ng umamin ako sayo Hindi na ako umasapang pagmamahal ay ibabalik mo, Dahil sabi mo nga sya ang iyong gusto Sya na nagpatibok ng 'yong puso. Sana palagi kang masaya Pero once na malungkot ka Andito lang ako para lungkot mo'y pawiin na Kahit ako'y patuloy na umaasa. Kahit sumasakit ang puso ko Tuwing magkasama kayo Patuloy parin akong iibig sayo Hanggang sa maunawaan kong "Hindi talaga tayo"
0
May 31, 2018
May 31, 2018 at 11:24 AM UTC
"NANDITO AKO"
Alam mo bang itong luhang pumapatak saking mata, Nagpapakitang ako'y nasaktan ng sobra, Pero kahit ganito aking nadarama Puso'y ka'y sakit pero mahal parin kita Ilang araw na akong umiiyak Araw araw pinupunasan ang luhang pumapatak, Dahil sa pusong tila ba'y nababasag At buong pagkatao'y nagmistulang wasak Hindi ko alam kung san pa ba ako tatakbo Gayong wala na kong malalapitan pa kahit sino, San ko ba pwedeng ibuhos ang mga luhang to, Wala ng iba kung hindi sayo, ngunit wala ka pano na ako?
0
May 26, 2018
May 26, 2018 at 8:49 PM UTC
"LUHA"
Napakadami nating letrato na magkasama Tingnan mo oh ang saya mo pa. Sa lahat ng imahe, napapangiti kita Hindi ko pinaramdam na nagiisa ka. Mahal, may nalaman ako Mahal, alam kong di yun totoo Hindi naman di ba mahal ko? Sabihin **** mali yung nalaman ko. Sabi mo kaibigan mo lang sya? Kasi sabi mo "Barkada" Oo tama ka, kabarkada ko pa! Ano ba yan, pinagmuka nyo kong tanga! Mahal bakit nyo naman ako niloko? Hindi naman ako bato Na kayang magpakamanhid sa ginawa nyo Na kayang tanggapin ang pagkakamali nyo. Kaya pala, Pag wala sya nalulungkot ka Tanga ko, bat di ko nahalata? Puta kasi nabuglag ako sa pagmamahal, kingina! Ang sakit maloko Ang sakit masaktan ng patago Ang sakit na ang relasyong to'y isang laro Laro lang dahil ginamit mo lang ako. Pero mahal salamat ha? Salamat sa tubig na tumulo saking mga mata Salamat sa laro na habang buhay ay ako ang taya Larong sakin ay nagpaluha.
0
May 24, 2018
May 24, 2018 at 5:37 PM UTC
"LARO"
Katauhan Kamusta kana? Masaya bang magmahal ng katulad nya? 'Yung tipong relasyon nyo ay naiiba Mali sa paningin nila Puso Kamusta yung pakiramdam Na kayo lang yung nakakaalam Na may ikaw at ako sa isang kwento Ngunit sa paningin ng iba tao, wala namang "kayo" Mata Luha umaagos na tila dumadaus-dus Sa 'yong mukang nakabusangot Tanging pamunas nalang ay malambot na kumot. Bibig Hindi pagpapahalaga Saking mga salita Balang araw magigising ka bigla Ni anino ko'y wala na
0
May 24, 2018
May 24, 2018 at 5:27 PM UTC
"Importante lahat ng Parte"