Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
carlyn-tolentino
carlyn-tolentino
Sa salita ipinahahayag ang damdamin. Walang sinusunod na alituntunin.
Kapag namimiss kita, Babasahin ko yung mga old texts natin sa isa't isa, Makikinig ako ng mga paborito nating kanta, At yung mga kantang alay natin sa isa't isa .. Aalalahanin ko ung pagkakataong lagi tayong magkasama .. lalo tuloy kitang namimiss,
0
May 21, 2016
May 21, 2016 at 11:28 AM UTC
missing you
Pagbitaw sa aking mga kamay, Pinapalaki ang maliit na bagay Pagdikit ng babae sayo Pangangamba sa ating mga plano Natitiis **** hindi ako pansinin Hindi mo na nilalambing Sa mga dahilan na ito Unti unti nang lumalayo ang puso ko Nagtatanong kung totoo pa ba ito? O baka isang umaga magising na lang ako, Lumayo na ako Mas bagay naman kayo At ang masakit, wala ng tayo
0
May 11, 2016
May 11, 2016 at 9:25 PM UTC
Palayo
I wanted to know how he treats you I’m wishing I could one day be you So I’ll know if your assumption is true I was once like you I’m assuming without admission from him But unlike you I never tried to tell anyone my feelings I never expected that he loves me too And unlike you He fell for me He chose me He said he loves me But unlike you You can be proud of your feelings While he keeps me a secret
0
May 11, 2016
May 11, 2016 at 5:14 AM UTC
Unlike you, Ms. Assuming
Natutulog pero ikaw pa rin ang nasa panaginip Nagtatrabaho pero bigla kang sisingit sa isip Magkalayo ng ilang saglit pero parang kay tagal nang naghihintay Hindi ka lang magtext o tumawag feeling ko ang tagal mo nang nawalay Kahit wala ka sa tabi ko Kahit iba ang ginagawa at pinagtutunan ng pansin ko Bakit ikaw pa rin ang hinahanap ko? Laging ikaw. Walang iba, kundi ikaw.
0
May 9, 2016
May 9, 2016 at 6:15 AM UTC
Laging ikaw
may mga panahong gusto ka lamang titigan parang pagtanaw sa mga bituin sa kalawakan may mga panahong gustong maramdaman ang yakap mo lalo na sa malamig na gabi at isiping ika'y katabi ko hindi ako makapaniwala na ngayon *ako'y sayo at ika'y sa akin* isa kang panaginip na nagkatotoo isang pangarap na nakamit ko hindi ko naisip na magiging bagay sa'yo wala nang maihahambing anuman sa mundong ito **ikaw lamang ang kailangan ko makasama sa buong buhay ko**
0
Apr 14, 2016
Apr 14, 2016 at 6:34 PM UTC
Forevermore
Hindi mo malalamang Nagustuhan kita Dinaan lamang sa panunukso Akala ko gets mo na Hindi mo malalamang May ibig sabihin Ang mga ibinibigay ko Wala ka namang pakielam sa mga ito Hindi mo malalamang Kinaiinisan kita Dahil hindi mo maramdamang Mayroon na akong feelings sa'yo noon pa Hindi mo malalamang Matagal na tayong break Dahil hindi naman tayo Ako lang ang nag-iilusyon na masusuklian mo ang feelings ko Hindi mo malalamang Naka-move on na ako Masaya na ang pakiramdam Nakalaya na sa nararamdaman Hindi mo malalaman na Para sa'yo ito Dahil kahit kailan Di ko babanggitin ang pangalan mo
0
Apr 13, 2016
Apr 13, 2016 at 6:57 AM UTC
You will never know
Nakita ko kung paano mo siya tignan Mga mata'y masaya't ngiti'y walang paglagyan. -------------------------------------------------------------------------- Nasasaktan ka. Hindi mo masabi. Hindi kasi pwede. Dahil ... Merong tayo sa ating dalawa Pero walang tayo para sa iba.
0
Apr 11, 2016
Apr 11, 2016 at 12:01 AM UTC
Day 44. Pagtingin sa Iba
Magkaibigan Naglolokohan Nag-aasaran Nagngingitian Isang araw nag-yaya ng hindi inaasahan Hindi tumigil sa text at tawagan Kumain ng sabay Nag-usap ng matagal Bumiyahe ng magkahawak-kamay Umakyat ng bundok at nakaalalay Spoiled sa paghatid at pagsundo Tambayan ang mcdo Gusto laging magkasama Ayaw humiwalay sa isa’t-isa Ang oras ay kay bilis pag magkapiling Ang araw ay kay tagal pag malayo ang isa sa atin Isang araw nagtanong at nagtaka Ano bang meron sa ating dalawa? Higit pa ito sa magkaibigan Mukhang nahulog na ng tuluyan Pebrero 28 itinakda natin ang “tayo” Minarkahan na ang ating kalendaryo Hindi inaasahan. Ni hindi pumasok kailanman sa isipan, Na ang dating magkaibigan at magkaasaran Sa huli ay magkakatuluyan Salamat sa mga hindi inaasahan.
0
Apr 6, 2016
Apr 6, 2016 at 10:14 PM UTC
Unexpected
#120915 Hindi ko magawang itikom ang bibig *Iniibig kita, pero inibig **** ako'y saktan.* *Inibig **** ako'y paglaruan,* Na tila baga tayo'y nagtatagu-taguan. Hindi na tayo bata, Na kapag ayaw mo na, Itatapon mo na lang ang lahat. Na kapag pagod ka na, Mamamahinga ka na't Tila ba wala nang pakialamanan. Sabi mo, di ka katulad ng iba Na pupuwede akong magtiwala sayo. Ako'y nagpatuklaw sa isang ahas, at lason siyang pag-ibig mo. Tanong ko: minahal mo nga ba? Tanong ko: sineryoso mo rin ba? Sa dinami-raming tulang kinatha, Damdamin ko'y nauubusan na ng salita, Tila hinigop mo na lahat ng kataga, Yung kahit sarili ko'y nakaligtaan na. Bakit nga ba? Kung sino pang tunay na nagmamahal, Siya pang naiiwan sa ere, Na tila baga walang gasolina ang nag-angkas sa kanya Yung parang walang destinasyon, Yung ibabagsak na lang. Ayoko nang sumakay, Pagkat nakamamatay.
0
Feb 16, 2016
Feb 16, 2016 at 8:50 AM UTC
Saksak-puso sa Eroplano
Hindi mo ako dapat gawing catalyst Para maparealize mo sa kanya na mahal ka niya Sabihin mo sa kanya Kung mahal mo siya Wag gumamit ng iba Para ipaintindi ang nadarama
0
Feb 16, 2016
Feb 16, 2016 at 8:45 AM UTC
Trisha