matiyaga kang pinapasan ng
mamang nangumpisal sa salamin,
umami't umako ng karnal na
pagkakamali. habang ang karamiha'y
mga miron sa silong ng tirik na araw,
namamanata sa ritwal ng pag-ulit,
pagpako't pagpapasakit sa huling
Adan na nabayubay. upang ang
kapirasong kahoy ay maging kahulugan,
upang ang kahuluga'y maging ehemplo.
templo at tiyempo ng mga himno ng
mga epokrito't espasyo ng hunghang na
pagsamba.
ang balikat ay hudyong Kristo, ang kamay ay
romano. paano kaya kung ang idolo
ng impostor ay sa silya elektrika hinatulan,
papasanin din kaya ito ng walang alinlangan?