Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Hindi niyo ba nakikita
Ang kanilang panlilinlang sa taong bayan
Sa pagpapakita ng malayang lansangan
Ngunit ang totoo'y sila ang kapahamakan

Apat na dekada nang nakalipas
Bata, matanda, sanggol, walang takas
Walang takas sa pagmanalupit ng mga pulis at sundalo
Ang nakaraan, hindi ba tayo natuto?

Mga pulis ay nagkalat
Mga sundalo'y laganap at dumadami
Kahit saan lumingon, sila ang matatanaw
Nagmamasid, nag-iikot, baril ay nasa tabi

Putok ng baril biglaang maririnig
Kasunod ay balitang may nabaril
Iisa ang rason: nanlaban
Ang tanong, nanlaban ba o kunwariang nanlaban?

Kanilang pagkatok
Biglaang pasok
Naghalungkat na walang pahintulot
Tama pa ba ito?

Mga tao'y hinahayaan lang
Ang mga naglalakad na kapahamakan
Dahil sa takot na sila'y tauhan ng presidente
Isang kamay sa bibig, kabila'y sa mata

Unti-unti nang nagpaparamdam
Ang pagbalik muli ng setyembre bente-tres
Tao'y nabulag, hanggang ngayon ganon parin
Kailan kaya magigising ang tao, kapag huli na ba ang lahat?
JOJO C PINCA Nov 2017
Kahapon pagdaan ko sa Angeles City sa Mabalacat, Pampangga nakita ko sila. Sandali kong pinagmasdan ang kanilang pangkat na nagpapahinga sa may gasolinahan. Hindi ko maiwasan na malungkot.

Mahirap talagang maging mahirap, alam mo yung buhay ng isang kahig, isang-tuka, yung kakalam-kalam ang sikmura tapos hampas lupa? Yung hindi nakaka pag-almusal dahil walang pambili ng pandesal, na madalas ay nililipasan ng pananghalian at malimit na nakakatulog sa gabi ng walang hapunan.

Yung dalagitang nanggigitata may sanggol sa tagiliran, nagpapalimos sa gitna ng kalsada, kumakatok sa mga kotse, tinitiis ang nakakapasong init ng tanghaling-tapat. Nakaka-awa ang sanggol walang malay, walang muang, hindi n’ya pa naiintindihan ang kalupitan na kanyang dinaranas.

Ang maka-diyos na lipunan at makabayang mga pulitiko alam kaya nila ito? Ramdam kaya nila ang hapdi ng sikmura ng mga pulubi? Bakit ganito? Ewan ko, hindi ko rin alam ang puno’t dulo, hindi ko rin maintindihan ang lahat. Ang alam ko lang hindi sila nababawasan sa halip lalo silang dumadami habang sinasabi ng mga pulitiko na mahal nila at handang tulungan ang mga mahihirap.
kapayapaan paano mararanasan?
kung kapwa mo pilipino
tingin sayo kalaban
kada talikod mo
nagagawa kang pag-usapan
mga taong hanggang dun nalang
at di kayang masabi ng harapan

maituturing bang kapayapaan
ang pakikipaghatakan pababa at walang ibang
ginawa kundi mangialam sa buhay ng iba
mga taong nagsasabing "magpakatotoo ka lang." tapos huhusgahan ka nila?

mga literal na utak talangka
lalo na kayong dumadami, kailangan na ng bangka
maging maliit na "KITA" galing sa dugo't pawis pinupuna.
kailan kaya kayo mauuntog sa bato at sasabihing " ako'y natuto na."

Daig pa ang hukom kung manghusga
ubos ang salapi, sa kakapusta
sa mga kwentong nagpasalin salin sa bibig ng iba.
pati pagiging mapangmata,
ginawa ng katawa-tawa.

paano mo mararanasan ang nais **** kapayapaan?
kung ayaw **** iwanan dati
**** nakasanayan
niluluwa mo pati sarili **** bayan,
nagmamataas kahit wala pang napatunayan.

hayaan mo akong tulungan ka sa iyong kalagayan
pusong puno nang galit kailangan mo nang tigilan
Lawakan mo ang isip at iyong laliman na kahit 'magkakaiba man tayo ng pinanggalingan, ay iisa lang naman tayo ng bansang sinilangan'
09/07/20

— The End —