Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"dududa" poems
Mga isip na nagtagpo sa delubyong nakatago Isang ikot sa bilog na bakal, nagtugma ang kaisipan Maraming bunggo'upang utak ay maalog Naalog nga ba? para bumitaw o dahil sa pag ulit ng pag bunggo At Sadyang inalog para kumapit at umasa Sa mga pangyayaring tugma sa puso ng mga mahal Mga usap na wagas ang salita Mga analisa na may pag dududa at pag sang ayon Mga oras na ginugol upang makamit ang usapang pag ibig ng mga mahal Mga oras na ang pag uusap ay paulit ulit Mas naging matatag dahil sa maga paulit ulit na mga salita at haka haka na nag katotoo Ngunit walang sawang nakinig, nagtipa Upang ang dalisay na pag ibig ay magtagumpay Mga pag tatagpo na kahit sa sandali ay naging palagay ang loob at isipan Mga taong makatotohanan at naniniwala sa dalisay na pag mamahal ng taong mahal Mga oras na ginagawang araw ang gabi na sana ay tugma ang oras Di man nagtugma ang oras nagagawa pa ding mag bahagi ng oras Dahil ang pag-mamahal na bukal sa taong mga mahal walang kasinungalingan walang pag dududa naniwala sa dalisay Dahil sa mas malalim na pag kakaibigan na puno ng lungkot at pighati mga pag subok na kumanti sa pagmamahal ngunit ganon pa man nag tagumpay sa mga hiling sa gabi-gabi sa pagtulog. sa Poong may Kapal, Naway di magsawa sa mga karanasan Sa kapaligaran may kasinungalingan Naway maging aral upang matutong Magbigay ng pag mamahal sa kapwang Walang nakakaunawa at nagmamahal Mga delubyong pinagtagpo ang mga taong mas nag pakatoo at umasang sa huli ay mag tatagumpay ang pag ibig na dalisay ng taong umaapaw ang pagmamahal sa babaeng sinisinta sa bawat minuto at bawat sandali ng kanyang buhay. Ano pa nga ba ang salitang dapat mamutawi kundi mga katagang "Tagumpay ka DALISAY".
0
Apr 5, 2018
Apr 5, 2018 at 10:21 PM UTC
Dalisay at Pagmamahal

Continue reading...
46
Sabi nila, lahat ay nangyayari sa tamang panahon, Ngunit hindi ko na maalala ang huling beses na sumang ayon ang tadhana sa akin Minsan nag dududa na ako kung may tamang panahon pa nga ba Ilang sakit pa ba ang kailangan tiisin bago matamasan iyon? Nung nakilala kita, akala ko tama na, akala ko ayun na Akala ko ang tamang panahon ay naririto na Ngunit hindi parin pala Sa puso mo'y may nagmamay-ari na pala Wala akong ibang magawa kundi ang palayain ka Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan Kung bakit pinag tatagpo ang dalawang pusong pipigilan din naman Ito na ata ang pinaka masakit sa lahat, ang pigilan ang nararamdaman Ilang paalam pa ba? Ilang pag papa-raya pa? Ilang pag titiis pa upang magawa lamang ang tama? Ilang luha pa ang kailangan pumatak sa aking mata? Kailan kaya maranasan at maramdaman ang saya Yung saya na nananatili hanggang sa pag gising mo kinabukasan Hindi ko alam kung kelan ang huli Huling beses na masasaktan ako bago ko maranasan maging masaya
0
Dec 22, 2016
Dec 22, 2016 at 6:02 AM UTC
ILANG PAALAM PA
Gabi. Nang una kitang makita. Ikaw yung matingkad at nagniningning sa madilim na parte. Sa may kubo. Nakaupo. Ikaw, alak, at sigarilyo. Lumapit ako. Dahan-dahan, para malaman kung alin at ano. Kung bakit nga ba sa dinami-dami ng tao, Bakit sa’yo ako dumiretso. Gabi. Ikaw ang unang nag-salita. Ngumiti lang ako, habang nakatitig sa’yo. Tila may kabog sa dibdib. Hindi maipaliwanag ng bibig. Tinanong mo ako kung naniniwala ba ako sa diyos. Sagot ko ay hindi. “So, atheist ka?” Tanong mo na may halong pag-dududa. Sinagot kita. Sabi ko, oo. “Tayo na ba?” Ngumiti ka at tumawa. “Sige.” Biro-biruan lang. Walang palitan ng “mahal kita.” Nag-palitan lang tayo ng numero. Sabay sabi “nandito lang kung sakaling kailangan mo ako.” Lumipas ang ilang araw. Hindi na tayo nagkita. Minsan, nag-uusap sa telepono Madalas, hindi kumikibo. Minsan, magpaparamdam. Madalas, parang wala lang. Minsan, nariyan lang. Madalas, wala lang. Gabi. Nang tayo’y muling magkita. Sa harap ng bahay. Sa may kalsada. Nag-usap ang ating mga mata. Ikaw, alak, at sigarilyo. Tanda ko pa non, magpapasko yun. Laseng na ako. Madaling araw na, tara sa dagat, ligo tayo. Mga alas tres na yun. Tapos nag-inom ulit tayo dun. Sa likod ng pick-up truck. Sa bote na ng Jim Beam deretso ang inom. Walang chaser. Kasi wala namang habulan. Hindi naman tayo naghahabulan. Gabi. Pang-ilang ulit na ba? Akala ko biro lang, Akala ko lang pala. Yung joke time, tila nagiging seryoso na. Natatakot ako baka bigla na lang ‘tong mawala. Pero sa t’wing magkasama na, Lahat ng problema’y nalilimutan bigla. Kita ko ang ngiti sa mga mata mo. Madilim man ang paligid, Maliwanag naman sa piling mo. Gabi. Hindi ko alam kung saan magsisimula, Kung ano ba ang dapat sabihin, Yung tama lang at hindi makakasakit ng damdamin, Pero bago natin tuldukan, Bakit hindi muna natin simulan sa kama, Kung ang ending ba natin ay parang sa pelikula, Yung masaya o tulad din ng iba, yung hindi pinagpala. Pero maaga pa ang gabi, Hayaan **** mahalin kita ng lubos kahit sandali, Pati ang mga galos at sugat mo, Yayapusin ko hanggang sa maghilom at mawala ang sakit, Dahil kung may pusong mabibigo, 
 Gusto ko yung hindi sa’yo. Kay hayaan na lang muna siguro natin na gan’to, Pag-sapit naman ng gabi, Ikaw pa rin ang uuwian ko.
0
Sep 10, 2017
Sep 10, 2017 at 1:50 AM UTC
Gabi

78