Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oh Poong Hesus Nazareno
Kahit ngayong Ikaw ay malayo
Kahit ako’y hindi mkapunta diyan sa Quiapo
Ako ay sa Iyo parin sumasamo
Ikaw na Siyang noon ay dinaingan ko
Ikaw na Siyang noon ay hinilingan ko
Na makatapos ako sa kolehiyo
Ikaw na Siyang mismong tinungo ko
Ikaw na Siyang mismong dinasalan ko
At duminig sa mga panalangin ko
Ako’y muling sumasamo sa Iyo
Tingnan Mo ngayon ang sitwasyon ko
Nasa alanganin na naman ang buhay ko
Walang kasiguruhan sa trabaho
Kinabukasang maganda ay malabo
Maawa Ka naman sa pamilya ko
Maawa Ka naman sa ibang tao
Sila ay matutulungan ko
Kapag dininig Mo ang samong ito
Kung ano ito ay alam Mo na po
Upang akin naring mabago
Ang nabubulok na buhay at pagkatao.

-0/09/2014
(Dumarao)
*written this day of the Feast of the Black Nazarene
My Poem No. 241
Lacuna Jul 2019
Kung hintayan ng langit ang huling saglit
Huwag mo sana ipag-kait
Na ika’y umakyat na sa langit
Dahil ang pagmamahal sa lupa’y nakamit

Kung ako man ay hintayin sa gitna
Asahan mo na habang ako’y nasa mundo
Ang pag-ibig ko’y buong-buo
At hind kailanman nanghina

Kung lahat ng bagahe’y iwan
Sakaling ika’y aakyat na
Huwag kang mag-alala
Dahil ito’y sagot sa aking dinasalan

Humantong ang buhay sa huling saglit
Isa lamang ang aking dinggin
Sa langit ako’y salubungin
Mahal ko’y hindi ka na maghihintay muli
This is a poem dedicated to a superb Filipino Indie Movie called: Hintayan ng Langit by Juan Miguel Severo

— The End —