Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"dadapo" poems
Ang maikling kasaysayan ay pilit kinakalimutan Nang nahulog sa bangin ng nakaraan itinali sa leeg ng walang pag-aalinlangan ang maiksi na lubid na pinanghahawakan Kumikinang na perlas ng silangan namumukod-tanging mutya sa dalampasigan Nang makatakas sa karagatan Di na bumalik sa kinagisnan Papalubog na ang araw nang hindi namamalayan Ang liham nito'y kanyang huling alab Yugto ng masamang pangitain kung kailan dadapo ang mga paniki Nagsilbi na piring sa pagsapit ng Biyernes ang takipsilim Sa walang pakundangan pugon Nagliyab ang lunggati ng pangangalit Marahas na pagbati nito ay pasakit Ang simpatiya ay kumukupas Sa trahedyang sumira Nang wala na makakapitan sa pag-aagaw buhay Walang paghikbi sa kapaligiran Labis na kasawian
0
Dec 16, 2018
Dec 16, 2018 at 6:24 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #11
Tahimik na nagmamasid. Diretso ang tingin. Nakita ko ang sarili nasa himpapawid, hindi alintana ang pagpatid ng bawat pakpak na pudpod na sa kakagamit, Hindi alintana ang kanilang unti-unting pagdating, basta diretso lang ang tingin. Sa iisang direksyon lamang nakatutok ang aking paningin, Nakikita kita. Naaaninag. Ikaw lamang ang tanging bituing nagliliwanag sa gabi. Ikaw ang buwan, ikaw ang araw. Ikaw ang pagkapit, ikaw ang pagbitaw. Ikaw ang sa umaga'y araw na nakakasilaw. Ikaw ang sa gabi'y buwan na tanging lumilitaw. Ikaw ang paru-parong mapangakit. Nakakaakit. Hinabol kita para lamang mahuli. Hinabol kita pero ang hirap mahuli. Hinabol kita pero akala ko ako na ang huli. Pero mali. Hinabol kita habang hinahabol mo siya. Minahal kita pero minamahal mo siya Kailan kaya mangyayaring tayo ay pagbaliktarin ng tadhana? Kailan kaya mangyayaring ang ako ay magiging ikaw? Na naghahabol, walang pagod sa paglipad para lang maabutan ka. Kailan kaya mangyayaring ang dating ako lang ay tayo ng dalawa? Dalawang paru-parong dadapo sa isang bulaklak na pareho nating gusto. Kailan kaya ang durog na ako ay muling mabubuo? Kailan ka kaya hihinto para lamang hintayin ako? Kailan? Kailan nga ba? Kailan mo nga ba malalaman na ang ligaw na paru-paro ay sayo pala patungo?
0
Jul 27, 2016
Jul 27, 2016 at 7:22 AM UTC
SAYO AKO PATUNGO
Naaalala kaya niya ako Sa tuwing maaamoy ang pabangong paborito ko Sa tuwing hahalo ang amoy ng sigarilyo sa kamay Sa tuwing sisimoy ang hangin papunta sa kanya, Naaalala kaya niya ako? Naaalala kaya niya ako Sa tuwing maririnig ang dating awitin Sa tuwing tatama ang mga lirikong dating para sa akin Sa tuwing ang kanyang mundo ay napapaloob sa isang kanta, Naaalala kaya niya ako? Naaalala kaya niya ako Sa tuwing dadapo ang inspirasyon Sa tuwing hahanapin ng kamay niya ang isang lapis Sa tuwing lilikha ng isang larawang iguguhit sa malinis na papel, Naaalala kaya niya ako? Naaalala kaya niya ako Sa tuwing pipikit ang mga mata Sa tuwing kadiliman na lamang ang nakikita Sa tuwing lilipad ang isipan Bago makatulog ng tuluyan, Naaalala kaya niya ako? Naaalala kaya niya ako Sa tuwing mumulat ang kanyang mata sa bukang liwayway Sa tuwing ang isipan ay pumupungas pa pagkatapos ng panaginip Sa tuwing babangon siya sa panibagong araw Sa panibago na namang umaga na ang kami ay wala na, Naaalala kaya niya ako? Kasi ako, oo.
0
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 10:51 PM UTC
-
Ibubulong sa hangin ang hiling na paghilom Sikip ang mga alaala sa iisang kahapon Maglalakbay sa hardin kung saan nagtagpo Nais nang tumalikod ngunit paano Dadapo na parang isang paru-paro Sa mga talulot na nasa palad mo Iidlip sa ugoy ng hanging malamig Liwanag ng ‘yong ngiti’y baon sa pagpikit Tinatangay ng agos ang bawat hibla ng alaala Ngayong gabi ika’y talang tinitingala Hihimbing kaya ako sa aking pahinga Kung kabisado pa rin ang hulma ng iyong mukha
0
Mar 22, 2020
Mar 22, 2020 at 5:00 PM UTC
Untitled