Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bulyawan" poems
Umulan ng mga talulot sa simbahan May palakpakan, palirit Sapagkat pumunta sa kasiyahan Daig pa ang fiesta at bagong taon sa lakas ng bulyawan Katabi ng lalaki ang mahal Puro halakhak at wala nang pag ngiti Sa mga ka-nayon na bumabati Inuman maghapon sa magarbong pagdiriwang Paanyaya na natanggap na siyang pinaunlakan Bago matapos ang selebrasyon ay lumapit sa asawa ng maharlika Ang pagbati ay ibinulong sabay nakaw-halik sa pisngi niya Tumalikod at di lumingon Bigla na lang pumatak ang mga luha Sa itinanim na pagsinta, ang naani'y pagdurusa Sapat na ang hilahil upang magpatiwakal Sapagkat di matanggap-tanggap ang pag-iisang dibdib Tibok ng puso'y lumikat Lumakad nang papalayo Kahit mga paa'y mabigat iangat Nanginig nang lumisan Dumanas ng kulimlim ng pag-ibig Nag-iisa sa Cariñosa sa putikan
0
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 6:05 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #40
parang ref sa bahay n'yo parang lego ng kapatid mo parang pustiso ng lola mo sa baso permanente hindi pwede galawin sa lugar baka bulyawan ni nanay o magtantrums si junie boy at atakihin pa ang lola mo mga bagay na permanente hindi pwede galawin parang tattoo ng tito **** adik parang tsokolate sa puting damit parang kilay ng teacher **** masungit permanente hindi pwede galawin parang ikaw sa puso ko parang imahe mo sa utak ko parang... parang... parang bawat permanente sa mundo na hindi mo na mababago parang ako para sayo at ikaw na hindi para sa akin permanente
0
Oct 15, 2018
Oct 15, 2018 at 5:41 AM UTC
permanente