Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
VJ BRIONES Jul 2017
her: My heart bled
and yours stopped.
We both lost the battle,
but I am the luckier one
I fell on the ground
And you are buried under.

him: I became a lifeless body
underneath the ground.
I am a soul
who guides you.
I witness the recovering
heart of yours healed.

Maybe I am the luckier one.
I lost only my body,
but you lost me.
VJ BRIONES Jul 2017
Simple lang naman ang istorya nating dalawa.
Dalawang tanong lang ay tapos na.

NAGSIMULA TAYO SA UMPISA.
na kung paano sinabi mo na,
"Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko? "

NAGTAPOS TAYO SA HULI.
na kung paano sinabi ko na,
"Bakit hindi kana dumating at bumalik sa buhay ko? "

at diyan nagtatapos ang ating istorya
na kailanman hindi magiging maganda
VJ BRIONES Jul 2017
siguro akala mo hindi kita kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa akin
siguro kung inisip mo lang na ikaw talaga ang nakatadhana para sa akin
siguro akala mo hindi kita kailangan sa paraang kailangan mo ako
alam mo
hindi ako makakahanap ng tao na kayang intindihin ako
gaya sa paraang nagagawa mo

bumalik kana..
dito kalang..
hinahanap parin kita sa hirap at saya
hinahanap parin kita sa lungkot at ligaya
hinahanap parin kita kapag itim na ang gabi at asul na ang kalangitan
pero tinatanong ko parin sa sarili ko naiisip mo parin kaya ako kagaya ng pagiisip ko sayo

sa oras na maisip mona kailangan kita
nandito parin ako
naghihintay sa iyo
sa oras na ito
hanggang sa pagdating mo
VJ BRIONES Jul 2017
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay tungkol sa naglalakihang mga mata
kapag nakakakita ng magandang dalaga
na naglalakad sa kalsada
isipin na nating..
maikli ang kanyang palda
maputi ang hita
malaki ang dibdib
teka
tama na
nakaklibog na diba!?
o kaya naman ang pagmamahal
ay parang
yung ating nararamdaman kapag ang ating mga balat
ay nakakapagtindig balahibo
dahil sa hindi maintindihang halimuyak ng galak
o ito ba
ay yung mga pagbabago ng kulay sa ating mga pishi
kapag tayo ay kinikilig ng lubusan
dahil nga ang sweet sweet niya
kulang nalang magkadiyabetes ang puta
ganun ba ang pag-ibig?
ganun ba ang pagmamahal?

ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba yung kapag dalawa lamang kayo
nakahiga sa mga damuhan
o kaya nakaupo tumitingin sa kalangitan
habang nilalanghap ang simoy ng hangin
sa taas ng gusali o kaya bubungan
na niloloko ang sarili kapag tinuro mo ang iyong daliri sa mga bituwin
at sinasabi na ang bituwin na yan
ang parang hugis puso
kahit hindi naman talaga
para masabi kolang na meron tayong pag-ibig
para masabi kolang na tinadhana talaga tayo para sa isat-isa
kahit hindi naman talaga
ganun ba ang pag-ibig?
ganun ba ang pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay yung may nakilala kang tao
na wala kang ideya kung sino
na ang inyong bigalang tagpuan
ay hindi niyo naman pinaghandaan
o kaya naman ang makilala nating ang tunay nating pagkatao
na tayo ay hindi basta tao
tayo ay merong kadiliman na hindi purong kabutihan
na kailangan man tayo ay tao
napapagod din
natututong sumuko at bumitaw
sa kapit ng "kaya ko pa"
dahil kailanman walang anesthesia na dumadaloy sa ating katawan
para hindi tayo masaktan
ganun ba ang pag-ibig?
ang pagbitaw ba ay pagmamahal?
ang pagsuko ba ay pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay yung paguubos natin ng oras
kahit na alam natin na ito ay walang kwenta
pero wala nakong pakialam
dahil nga kasama kita
na ang saya saya natin dalawa
nagtatawan kahit sumakit pa ang tiyan
hinuhusgahan ang mundo
sinasabihan ng mga tinatago niyong sikreto
wala kanang pakialam
kase nga kasama mo ako
na sana
hindi na matapos to
tayong dalawa
ikaw
ako
at ang ating magagandang mermorya
ay itatago ko at aalagaan dito sa puso ko
ganun ba ang pag-ibig?
ang paglaan ba ng oras ay pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba ay yung galak kapag nakikita kita
o kaya yung kapag kasama kita
kapag ako'y ubos na
pagod sa katotohang na ang mundo ay hindi basta basta
andiyan ka palage
nakaaalalay
handang ibigay ang balikat masandalan lang ng mabigat na isipan
ganun ba ang pag-ibig?
ganun ba ang pagmamahal?


ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG?
ito ba yung pakiramdam
kapag tayo'y nagpapaulan
na para bang gusto na nating sumuko
sumuko dahil tayo ay pagod na
sumuko dahil ang mga sinabi kong halimbawa ng pagmamahal
ay malayo sa katotohanan ng buhay nating dalawa
iniisip kung ano pa ang ibabato sa atin ng buhay
sige ibigay mo ang lahat
hindi ako basta basta natutumba
hinihiling na sana magkasama tayo sa huli
sana wala nang huli
sana wala tayong dulo
dahil ayoko, na ito ay magwakas pa
o kaya hindi na natin ito inintindi
dahil ang gulo na ng  isipan
nandun parin ako
nagpapaulan
hinahayan na mabasa ang sarili
walang pakialam kung magkasakit pa kinabukasan
basta ako ay basang basa na
niyayakap ang ngayon
tinalikuran ang masamang kahapon

anung alam natin sa pag-ibig?
meron ba tayong alam tungkol sa pagmamahal?
anung alam natin?

ang unti
ang onti lang ng alam natin sa pagmamahal
napakaonti
na nagbibigay sa atin ng galak
ng sige gusto ko pa
ng ibigay mo na lahat wag kanang magtira
dahil gusto ko maranasan ang pag-ibig
bigyan moko ng pagibig
bigyan moko ng pagmamahal
mahal, anung alam natin sa pag-ibig?
VJ BRIONES Jul 2017
siguro magtatagpo ulit tayo kapag tayo ay handa na para sa isat'isa
hindi...
mali...
tangina ng linyang yun!
minahal kita ng buong buo gamit ang tangina kong puso pero hindi mo manlang ako minahal
ginamot ko ang sarili ko
kahit ngayon ginagamot ko pa
at gagamutin ko bukas
at gagamutin ko sa isang araw
hanggang sa isang linggo
sa susunod na buwan
hanggang sa isang taon
gagamutin kopa ang sarili ko
at gagamutin ko pa habang nabubuhay pa ako


kaya pakiusap...
mga tatlong taon
bago matapos ang ngayon
kung magkita man tayong dalawa
sa tambayan na dati tayong magkasama
ay sana wag ka nang lang lumapit
ilalabas ang apoy sa iyong pagbati ng "kamusta"
sisindihan ang pag-ibig na sumunog sa aking pusong natusta
na ginawang abo ng iyong pagmamahal
wag ka nalang lumapit...
ipagpatuloy mo lang ang iyong paglakad kung saan ka man papunta


iniwan mo ako nung sabi ko "teka lang"
iniwan mo ako nung sinabi kong "pahinga muna"
humiling ako ng panandaliang paghinto
sa giyera ng ating mga puso
dahil sa walang tigil nating pagaaway
na ikaw ay biglang bibitaw dahil sa simpleng bagay
iniwan mo ako nung sinabi kong "sandali lang"
iniwan mo ako nung sinabi kong "itigil na natin"
napagod sa pagtakbo sa paghabol sa nauunang hindi naghintay
sumuko sa batuhan ng ako ang tama at ikaw ay mali
-
-


kahit kailan hindi ka magiging sapat para sa akin
kahit kailan hindi mo magagamot ang nasirang ako
ang nawasak na pag-ibig
ang nawalang pagmamahal
kahit kailan hindi na mababalik ang dati
kahit kailan hindi mo mapapapoy ang abo
hindi mo maaalis ang sakit na pinagdaanan nito
hindi mo matatanggal ang pilat na naging sanhi mo
maitatago mo lang ito
magpapanggap na hindi nangyare ito
lolokohin ang sarili


pakiusap lang..
papakawalan na kita
na ito ay hindi panandalian
na ito ay panghanggang dulo
papakawalan na kita
na ito ay hindi biro
na ito ay totoo
na ito ay ang katotohanang palagi **** isusuka
pasensya na mahal..


para sa iyo binigay ko ang lahat
alam ko hindi pa yun sapat
pero ginago mo ako
kaya nagbago na ako
kaya pakiusap..
wag mo nang gamitin ang oras
hindi makakalimutang ang dilim ng nakalipas
hindi mapapaltan ng bagong memorya ang masamang ala-ala
hindi tayo magiging handa para sa isat isa
hindi tayo para sa isat isa
isa kang magandang halimbawa
na kailan man hindi ko matututunang paghandaan
kung pwede lang ibalik ang nakaraan
ikaw ay aking tatanggihan
VJ BRIONES Jul 2017
Isang araw, nakilala kita at nag kausap tayo.
Isang araw, naging mas close tayo sa isat isa.
Isang araw, sinabi ko sayong mahal kita at sumagot ka naman at sinabing mahal mo narin ako.
Isang araw, sobrang saya natin. Na tipong kahit anong negatibong ibato ng mundo sating dalawa ay hindi natin pinapansin.
Isang araw, naging cold ka.
Isang araw, di ka na nag rereply at sumasagot sa mga tawag ko at kahit ano pang gawin ko ay hindi ka nagparamdam
Isang araw, sumagot ka at sinabi **** mas mabuti nalang na ganito tayo.
Araw at gabi nasa isip kita, na kung ano na ako kung wala ka.
Isang araw...
Hindi...
Araw araw kang nasa isip ko.
VJ BRIONES Jul 2017
Tama mali
Mali tama
Tama mali
Itong dalawang salita
Na paulit ulit binibigkas ng mga bibig ko
Ay ang salita na hindi ko maintindihan
Kaya nga siguro ang puso ko ngayon ay sugatan
Puso ko na walang pakialam
Nung una kang mahulog sakin
Puso kong tanga
Na huli na ako nung naisip ko na ika'y mahalaga
Puso ko na umaasa na mamahalin mo pa,
Puso mo na umasa dati at nasaktan dahil binalewala kita
Dahil sa puntong akala ko dati ay mali ay siya ko namang pinagsisihan ngayon
Sa puntong nahulog ka sakin pero binalewala ko
At ngayong wala ka na sa tabi ko
Ay nawala na ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.
Matalik na kaibigan
Lagi **** tatandaan
Handa kong talikuran ang lahat
Wag ka lang lumisan.
Dalawang magkaibigan
Na imposible na maging magkasintahan

Siguro nga tama na naging parte ka ng buhay ko
Pero akala ko mali na maging malapit tayo
Tama na naging malapit tayo sa isat isa
Mali na maging malapit ang puso nating dalawa
Tama na makilala kita
Mali na makilala mo siya
Tama, iiwanan ko ang lahat para sayo
Mali na iiwanan mo lang ako
Tama na minahal moko
Mali dahil hindi ko pinahalagahan ito
Tama na minahal kita
Pero hindi ko alam kung mali ba ang umaasa
Mali ba ang talikuran kita
Mali ba ang hayaan ko nalang kayong dalawa
Mali
Maling mali
Mali ang nagawa ko
Sobrang mali
Mahirap nang itama
Pinabayaan kita
Ngayon nasa kamay kana ng iba
Next page