Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jul 2017
Isang araw, nakilala kita at nag kausap tayo.
Isang araw, naging mas close tayo sa isat isa.
Isang araw, sinabi ko sayong mahal kita at sumagot ka naman at sinabing mahal mo narin ako.
Isang araw, sobrang saya natin. Na tipong kahit anong negatibong ibato ng mundo sating dalawa ay hindi natin pinapansin.
Isang araw, naging cold ka.
Isang araw, di ka na nag rereply at sumasagot sa mga tawag ko at kahit ano pang gawin ko ay hindi ka nagparamdam
Isang araw, sumagot ka at sinabi **** mas mabuti nalang na ganito tayo.
Araw at gabi nasa isip kita, na kung ano na ako kung wala ka.
Isang araw...
Hindi...
Araw araw kang nasa isip ko.
VJ BRIONES
Written by
VJ BRIONES  20/M/Manila
(20/M/Manila)   
1.6k
 
Please log in to view and add comments on poems