Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
theivanger Jun 2019
Hindi alam kung pano sisimulan,
nahihirapan itugma ang bawat salita na lumilitaw sa isipan,
Ang bawat tunog sa bawat saknong ng bawat kaludtod ay nabibigatan,
Ilapat sa mensaheng
ibig iparating ng damdaming nagaalinlangan.

Oo, hindi ako sanay gumawa ng tula,
Itoy dili iba't hindi inaakala,
Ngunit aking susubukan, alang alang sa kaibigan,
Nanghihinayang sa alaala ng ating samahan, sa isang saglit ay iniwan.

Mga pagsubok biglang dumarating,
Sa kabagabagan ng buhay at panimdim, saklolo niyaong Dakilang may gawa ang tanging hiling, araw at gabi siyang dalangin.

Ako ma'y naguguluhan sa mararamdaman, isip at puso laging nasa kabagabagan, kalungkutan ang nasusumpungan sa bawat araw ng aking kinalalagyan, damdamin ay halintulad sa parisukat, makipot at madilim na kulungan.

Kaibagan koy huwag magtanim ng sama ng loob, Sa puso ko'y kalungkutan ang bumabalot, hirap ng pakikibaka sa araw-araw siyang sahod, ng buhay na sa pagsusumakit sa paglilikod, upang sa harap Niya'y magbigay ng lugod.

Ala ala ang siyang pumupukaw sa aking loob, huwarang kaibigan ang ipinagkaloob, nagbigay inspirasyon at lakas ng loob, upang maganap tungkuling kaloob, sa Maylalang aking utang na loob.

Patawad, unang sambit kung tayo man ay muling magkikita. Kalakip ay ngiti't saya sayo'y muling igagawad. Ipapalit sa galit at sama ng loob ay aking ilalahad, magpapakumbaba sayo ay aking hangad.
ikalawang tula nagawa para sa kaibagan. Hindi ako makatang tunay kayat iyong pagpasenyahan.
theivanger Jun 2019
Ikaw ang sagot sa "oo".
pumapawi sa bigat ng "hindi".
liwanag sa sambit na "siguro".
kapanatagan sa "marahil".

ngunit ikaw rin ang dahil ng sakit ng "oo",
kasinungalingan dulot ng "hindi", alinlangan ng "siguro", at kabagabagan ng "marahil".
ikaw ang siyang kasiyahan ngunit sa bandang huli ikaw rin ang dahil ng aking kalungkutan.
theivanger Jun 2019
Pwede mo parin
naman siyang
mahalin
kahit hindi na kayo,
ang tunay na
nagmamahal
hindi makasarili na
kahit hindi kayo
magkasama,
kahit hindi kayo
nagkikita, ang
hiling mo nalang sa
Dios ay makapanatili at
makapagpatuloy
sa tungkulin niya.
"Mahalin natin kahit hindi na tayo mahal" hindi kahangalan kundi isang kabanalan, kapag mahal natin ang isang tao magagawa nating maging masaya kung saan siya maligaya.
theivanger Jun 2019
Hindi naman ako galit
Sayo'y hindi naman inis
Katapatan ganon parin
Kaibiga'y maramdamin

Patawad unang sambit
Nitong kaibigan ay hibik
Paumanhin nawa'y kamtin
Siyang aking panalangin

Sama ng loob ang dulot
Kaibigang aking nilimot
Ngunit hindi nayayamot
Mawala ka'y aking takot

Tawanan laging naaalala
Biruan nating masasaya
Payo mo'y pumapayapa
Ng pusong lagi lumuluha

Sanay 'wag akong limutin
Kaibigan nagtatampo din
Gaya mo rin, may suliranin
Araw-araw aking pasanin.

Patawad kung nahirapan
na ako ay pakisamahan
Patawad kung di masiyahan
na ako ay pakitunguhan

Sanay huwag magsawa
Laging may laan na unawa
Kahit minsan nagagawa
Sayo'y hindi na nakatutuwa

Mga salitang akin nabitawan
Pawang totoong kahulugan
Subalit kaaway pinipigilan
Ang pagbabagong inaasam

Ngunit iyong laging tandaan
Oh aking mahal na kaibigan
Ikaw siyang kinasangkapan
Upang tungkuli'y masumpungan

Salamat sa Dios sa tulad mo
Sa mabubuting aral at payo
Ako'y walang kabuluhang tao
Kaibigan, sakin ikaw ay modelo
Mahirap talaga akong pakitunghan, sana huwag **** bitawan, hiling ko sa Dios akoy alalayan, patawad sa aking pagkukulang at sa sama ng loob na naidulot. Kung sakaling mabasa mo ang tula, sana wag mayamot. Salamat sa Dios sa pagkasangkapan sa pagbibigay ng inspiration at pagasa na sa kabila ng mga pagkukulang at kasalanang nagawa ay maari pang magpatuloy sa buhay at malakaran ang tungkuling pinapangarap. Salamat sa Dios sayo mahal at tapat na kaibigan.

— The End —