Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
VJ BRIONES  Aug 2018
Takbo
VJ BRIONES Aug 2018
Tula: Takbo


Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Kahit hindi ko alam ang lugar
Kahit walang kasiguraduhan
Kahit maligaw sa mga kantong nalampasan
Para lang matakasan ang lahat
O ang nakaraang gustong lipasan
Tatakbo ako ng malayo
Kahit sa kalsada ay mabangga, matumba pero sa huli ay tatayo pa din
Na may nakalagay na
bawal dumaan dito
Marami nang namatay dito
Hindi ako matatakot
Hindi ako hihinto
dahil Tatakbuhan ko ito



Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Para makadiskubre ng bagong daanan
Para may makitang mga bagong lugar na pwedeng nating puntahan
Kahit abutin pa ng magpakailanman
Abutin ng gabi
,madaling araw
,o kinabukasan pa yan
Tatakbo parin ako
Kahit Tulog na ang lahat
Nagpapahinga at nananaginip
Ng mga pekeng pantasya
at ako ay tumatakbo pa
Gising sa katotohanan at realidad
Hindi parin tumitigil
madadaanan ang mga nagtitinda
sa kalsada ng balot at iba pa
Dahil may gusto kong takasan
May gusto kong puntahan
Kaya ako tumatakbo


Gusto kong tumakbo
Ng malayo
Kahit saan
Kahit mauhaw pa at matuyuaan
ng lalamunan
Hahanap ako ng tubig
Para mabigyan ng bagong sigla
At manatiling malakas
sa takbo ng buhay
Hindi ko ipapakita
na ako ay pagod na
Hinihingal
Hinahabol ang hininga
Hindi na ako magpapahinga
Iinom lang ako
at ipagpapatuloy ko ang aking takbo
Kahit mapuno pa ng pawis ang aking likuran
Mabasa ang aking buong kasuotan
Dahil tatakbo ako
Hindi ako hihinto
Hindi ako mapapagod
Hindi ako magpapahinga
Gusto kong tumakbo
Gusto kong tumakbo
Gusto kong tumakbo


Ayoko nang tumakbo
Gusto ko nang magpahinga
Pagod na ako
Hihinto na ako
Dito lang nalang ako
At Haharapin
Hindi tatakasan
Hindi tatakbuhan
Dahil marami na akong nalampasan
na lugar
kalye,
Kanto,
Kalsada,
Nalampasang pagsubok,
problema,
Hamon,
Pagod,
Na aking hinarap sa aking pagtakbo
Hihinto
At
tatayo
at magiging handa
Para sa pagdating ng bagong simula
Handa na ako
Handa na ako
Hindi na ako tatakbo
Levin Antukin  Jun 2020
snooze
Levin Antukin Jun 2020
ilang beses mo itinatakda sa telepono
ang alarmang gigising sa 'yo kinaumagahan?
tipong ididilat mo na lamang ang mga mata,
magdadasal, babangon, iinom ng mainit na kape,
at wala nang iba.

sana ganoon din dito sa amin.

sa munting tahanan namin dito sa mandaluyong,
pinalaki kaming alerto sa wangwang ng mga bumbero.
ito ang alarmang gigising sa 'min
kahit kami'y mga gising na.
mapapipikit ang mga mata sa takot,
sabay takip ng tainga,
dahil sa sunod-sunod na sunog,
tanaw mula sa bintanang karatig ng kama.

paano nga ba matulog nang nakatatak sa isipan
ang sangkatutak na pamilyang walang matutulugan?
tag-ulan pa naman, maaaring bumaha.
at sa tanghali kinabukasan ay bilad sa lansangan.

paano nga ba matulog sa ugong ng mga trak
na kumakalampag sa dingding,
nanunuot ang alingawngaw sa balat?

paano nga ba matulog sa ilalim ng kahel na kalangitan?
takipsilim sa pagsapit ng alas-dyis ng gabi.
kinain ng nagniningas na apoy ang orasan.

pribilehiyo na
ang tanungin ang sarili
kung paano ka gigising bukas

'pagkat paano nga ba sila matutulog?
LostGirl'sParadise  Feb 2021
Apat
Apat.
Lima.
Anim.
Alam mo bang makulit ka.  
Eto ang mga dahilan,  teka.  
Una, nung sinabihan ka na pumunta sa kanan ay pumunta ka sa kaliwa.
Sinabi niya na wag kang iinom ng alak pero uminom ka.
Bawal kang magpahating gabi pero dahil sa ayaw mo pa  kinabukasan kana umuwi.
Inuubo ka pero kumain ka ng matamis.
Sinabing sa overpass ang tamang daan pero sa ilalim ka nito tumawid.  
Inaantok ka pero di ka natulog.
Walong basong tubig ang dapat inumin sa isang araw pero sa sprite ka nagpakalunod.
May kailangan kang aralin pero hindi mo binasa.  
Bawal ang maalat pero wagas kang gumamit ng asin at patis bilang panimpla.
Bawal ka ng hipon pero kumain ka pa din.
Uminom ka ng gatas kahit alam mo na ang sunod na mangyayari.
Sinabi sayo na wag munang galawin ang plato pero pagbalik ng iyong ina halos mangalaghati na ang laman nito.
Ayaw nilang nagsasabi ka ng masamang salita pero wagas ang iyong pagmumura.
Wika nga ni Bob Ong sa isa ninyang aklat.
Wag **** babasahin ang hindi mo naiintindihan.
Binigyan kana ng babala
Ngunit hindi ka naniwala.  
Pilit mo pa ding sinambit.  
Ay mali,  hindi lang pala sinambit kundi isinigaw mo rin.
Siguro naman alam mo na kung bakit ka makulit.  
Pero wag ka sanang magagalit.
Ang mga sumusunod ay may dahilan kung bakit ko binanggit.  
Hindi para sa ika'y magtanim ng inis at galit.
Sila ay nagsisilbing dahilan at patnugot.
Na hindi ka lamang nakisabay sa agos.  
Bagkos ay pinili **** tumaliwas.
Para malaman ang tunay na buhay.
At malaman mo kung paano nga ba mabuhay.
Hindi ka nandiyan para lang huminga.  
Nabubuhay ka para alamin ang tama.
Kaya nga ginawa mo yan.
Para malaman ang iyong kakayahan.  
Kaya uulitin ko, wag ka ng magalala.
Alam kong makulit ka.
Ngunit hindi ka dapat mangamba
Sapagkat natutuwa ako dahil ganyan ka.
Isa na namang sulat mula sa isang nilalang na hindi makatulog.
Shun Kaori  Oct 2022
22:22
Shun Kaori Oct 2022
Sa mga oras na 'to
Naalala ko bawat salita mo, na ayaw mo na mabuhay sa mundo

Sa mga oras na 'to
Tila naubos na ang mga luha, dulot ng  nakaraan ayaw mo na maalala

Sa mga oras na 'to
Tanging alak lamang ang makakahimbing ng tulog mo

Naalala ko, sa mga oras na 'to
Nagtanong ka ano ba ang minimithi ko sa aking kaarawan pero alam ko, ikaw mismo ay mga munting hiling na pilit mo tinatago sa sarili mo

Dahil sa mga oras na 'to
May imposible kang pangarap na gustong abutin, ngunit ika'y nawalan na ng pag-asa at gana

Alam ko sa mga oras na 'to
Dami tumatakbo sa utak mo, gusto mo na lg itulog at iinom ng alak pero...

Ang mga oras na 'to ay di natatapos
Sa bawat pagdilat ng mga mata mo'y, andyan pa rin
Sa bawat gising mo sa umaga, tila ayaw mo na gumising

Ind mo alam sa mga oras na 'to
Puso ko'y nalulungkot at nadudurog, gusto ko itahan at yakapin ang nghihikbi **** puso ngunit di mo wari masabi ang nararamdaman

Sa mga oras na yun
Andyan ka nung ako'y nawalan na ng pag-asa, andyan ka nung ako'y naligaw at napagod na

Ngunit sa mga oras na 'to
Tanging panalangin ko, maramdaman mo ang mga salitang mahal kita

Dahil kahit sa mga oras na yun
Gusto ko pa rin kita makasama hanggang sa pagtanda

At sa oras na 'to
Hindi pa rin ako sumusuko, andito lg ako hanggang sa malampasan  mo ang 22:22 ng buhay mo

— The End —