Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
kingjay Jan 2019
Sa malayong baryo ng lalawigan ng Antigo, ng bayan ng San Arden
Nakatira kapiling ng ama
Sa murang edad, sanay magtrabaho
Magpukpok ng pako sa tabla

Sapagkat naulila sa inang nagluwal
Ikinapahamak ang matagal na pagpapakasakit
upang mailabas lang kapagdaka
bilang anak niya
sa kamalig ng kanyang ama

Kinalong ng lolo
Mga kamag-anak ay humingi ng saklolo
Bumugalwak ang dugo sa patadyong
May pag-asa pa bang mailigtas
kung dadalhin pa sa bayan nang gamutin ng pantas

Sa daraanan sa palayan, kay lakas ng ulan
Pumapagaspas ang dahon ng palay
Kakaunti lang ang hininga sa di magkamayaw na hangin
Talagang binawian na
Nautas ang ilaw ng pamilya

Sapagkat iisa lang ang bunso't panganay
Kailangan sundin ang utos at patnubay
Kung nabagot sa kahihintay,
sa pag-uwi may sasalubong-
hampas ng latigo na maglalatay
Euphrosyne  Feb 2020
Tanawin
Euphrosyne Feb 2020
Maraming magagandang tanawin
Ngunit sayo parin ako nakatingin
Magagandang lalawigan
Subalit sa tabi mo parin babagsakan

Mga magagandang bulubundukin
Mga magagandang ilog
Mga magagandang tanawin
Sabay nating pinaginip

Alam kong umiiwas ka na
Alam kong huli na
Alam ko ring lumisan ka na
Ngunit ang tanging alam ko'y mahal parin kita

Sinta pagbigyan mo na ako
Alam kong marami pang babae sa mundo
Ngunit ikaw at ikaw lamang ang pipiliin ko
Kahit hindi mo na ako piliin sinta ko

Kahit gano pa katagal yan sinta
Kahit mahigit tatlong taon pa yan
Hihintayin kita ng hihintayin marikit na dalaga
Kahit magalit na ang mundo sa akin sinta

Parang mga binhi lamang ito
Hihintayin kita umusbong muli mahal ko
Didiligan kita ng pagibig ko
Hanggang maging magandang tanawin na muli tayo.
Diane ikaw ay parang isang magandang tanawin napaka natural at walang kupas ang ganda.
Jun Lit  Dec 2018
Paghimlay
Jun Lit Dec 2018
Nais kong humimlay
ang tibok ng puso
sa saliw ng taludturan
Subalit pipi ang mga daliri
sa pagdiin sa tipaan.
Mga hikbi’y nalulunod
sa naiwang bakas
naghihingalong daing
kalungkutang di-matawaran

Para na kitang anak, at maraming salamat
Itinuring mo akong tila pangalawang tatay mo rin
At sa wika ng sabong, sa lalawigan nating alamat
hindi ka na tatyaw, kundi mahusay na talisayin

Narating mo ang rurok
At iyong hinawakan ang mga alapaap
ng iyong malaon nang pangarap
Sa musmos **** puso
namulaklak ang maliwanag
Sa isip na pinagpala
nagbunga ng pang-unawa,
karunungan at syensya’y para sa madla,
ipamahaging parang kawanggawa.  

Hinahanap ka ng mga kabag
na kinatakutan ng iba
ngunit iyong kinilala’t niyakap:
“Nasaan na si Kuya namin?
Bakit di pa dumarating?
Tutubusin niya kaming pawa
sa panganib ng pagkasira.”

Naghihintay mga bundok at gubat
May luklukan pa sa yungib
kung saan namamahinga ang malayang pangkat.
Subalit tahimik, walang sumasagot . . .
Puyat ka sa magdamag
ng buhay **** makulay at tampok.
Hindi ka sumasagot -
Naabot mo na pala ang tugatog.

          Magkaganun man, malayo pa ang layunin
          Kami’y tutuloy pa sa ating lakbayin
          Paalam kasama, kaibigan namin.
          Mga aral na naiwan, laging aalalahanin.
Dedicated to the memory of James de Villa Alvarez, 21 April 1991-08 December 2018, who perished while on fieldwork as a wildlife biologist on Mount Apo in Mindanao, The Philippines. The poem summarizes my appreciation for him as well as my feelings of sadness and great loss, he being a protege who we expected to continue our science and advocacies.

— The End —