Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
ngunit nagsinungaling ako, dahil hindi naman na makabago sa akin ang pagtrato ng karamihan. ang mga tila inosenteng galawan ay kasing sakit ng isang saksak sa dibdib. kitang-kita, ngunit hindi man lang mabasa. lagi na lang ako ang bumibigay, lagi na lang ako ang walang kibo. hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko, at mas lalong hindi ko naiitindihan kung bakit sobrang dali na tratuhin ako na parang hindi kasing-uri. ako na lang ba palagi ang mag papasensya? hindi naman talaga ako tahimik, napagod lang akong magsalita. paulit-ulit, wala rin namang kasing nakikinig. marami nang nakatanim, maraming bagay ang aking kinikimkim. pero hindi ko kinikibo ito, nabaon na rin naman na ang mga ito sa dami. nakasanayan ko na lang dalhin, dahil mas madali pala ito kaysa sa maghintay ng sasalo. kahit sobrang bigat, hindi na ako umaasa. mas natutunan ko na lang ibalewala, ipalawang-bahala, wala rin namang nag tatanong kung kaya ko pa. mas madali na lang ngumiti, itawa, kahit bigo ito sa kinalolooban ko. matagal ko naman ng alam, matagal ko ng tanggap, na wala naman talagang makikinig, wala naman talagang makakapansin—kundi ang sarili ko lamang.
0
Apr 20
Apr 20, 2026 at 11:37 AM UTC
hanggang buto man.

Bbyxx_zb
Written by
Apr 20
Apr 20, 2026 at 11:37 AM UTC
Request permission to use this poem