#buhay
ngunit nagsinungaling ako,
dahil hindi naman na makabago sa akin ang pagtrato ng karamihan.
ang mga tila inosenteng galawan ay kasing sakit ng isang saksak sa dibdib.
kitang-kita, ngunit hindi man lang mabasa.
lagi na lang ako ang bumibigay,
lagi na lang ako ang walang kibo.
hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko,
at mas lalong hindi ko naiitindihan kung bakit sobrang dali na tratuhin ako na parang hindi kasing-uri.
ako na lang ba palagi ang mag papasensya?
hindi naman talaga ako tahimik,
napagod lang akong magsalita.
paulit-ulit, wala rin namang kasing nakikinig.
marami nang nakatanim,
maraming bagay ang aking kinikimkim.
pero hindi ko kinikibo ito,
nabaon na rin naman na ang mga ito sa dami.
nakasanayan ko na lang dalhin,
dahil mas madali pala ito kaysa sa maghintay ng sasalo.
kahit sobrang bigat, hindi na ako umaasa.
mas natutunan ko na lang ibalewala, ipalawang-bahala,
wala rin namang nag tatanong kung kaya ko pa.
mas madali na lang ngumiti, itawa,
kahit bigo ito sa kinalolooban ko.
matagal ko naman ng alam, matagal ko ng tanggap,
na wala naman talagang makikinig, wala naman talagang makakapansin—kundi ang sarili ko lamang.
Apr 20
Apr 20, 2026 at 11:37 AM UTC
Sa pagtatapos ng isang kabanata
Malungkot na isasara ang huling pahina
Mag-iisip sa sandaling pagpapahinga
At magbubukas ng panibagong pahina
Hindi na mababago pa ang mga mali
Sa mga nagdaang pahinang naitahi
Ngunit sa bawat aral na sukli
Isusulat ang bagay na nagwagi
Minimithi'y maisulat ko nawa
Sa panibaong aklat na ginagawa
Sa aklat na mayroong pahina
Tatlong daan at animnapu't lima
Ngunit hindi ako ang nagtatakda ng aking daliri
May mga bagay na di alinsunod sa aking wari
Ngunit pakiusap hangga't maari
Ang iyong layunin nasa Langit ang maghari
Jan 3, 2023
Jan 3, 2023 at 6:56 PM UTC
Sa bawat ligaya natatamo kaakibat nito ang kalungkutan
Sa bawat halakhak may nakakubling puot
Sa bawat liwanag ay may aninong sumisilip
Ang buhay ay di puro sarap kundi may hirap din
Mar 6, 2021
Mar 6, 2021 at 5:55 AM UTC
sa garagal na takbo ng buhay,
bakit nga ba kapag ikaw ang kasabay
bumibilis ang lahat
kahit hindi naman dapat?
Jun 15, 2020
Jun 15, 2020 at 12:36 AM UTC
Malamig na ang hangin
Na dumadampi sa pisngi
Ang usok na umiimbulog
Sa langit
Ay lumalamlam na sa paningin
Ang tunog ng mga instrumentong pansaliw
Sa tula na ginawang awit
Ay di na naririnig
Ang pagkalugami sa nakaraan,
Ang bakas ng kahirapan
Ay di na nagpapaligalig,
Nagpapasimangot nang magunita sa sandali
Kung noon sa bawat araw ay masigasig,
Sa kinabukasa'y nananabik
Di na ngayon
Sapagkat sa dapithapon nahuhumaling
Ang nagpupuyos na liwanag
Sa dakong silangan
Na dati'y mainam pagmasdan
Ay nakakasilaw
Ang takipsilim sumisimbolo ng kalumbayan
Ay isa na na tanawin
Para sa kagalakan ng kaluluwa
Ang unos at karimlan
Pag nasa luklukan
Ay isa lamang pangkaraniwan
Pag may lampara
Na hindi ka iiwan
May 25, 2020
May 25, 2020 at 11:41 PM UTC
Sinakluban man ng langit at lupa
Tinapangan ko pa ring tumindig.
Aakuin ko ang aking ipinangakong
'Yaring buhay ko ay 'di pasusupil sa dilim
-RL
Apr 17, 2020
Apr 17, 2020 at 4:44 AM UTC
Ilatag mo na
ang bagong kutson
sa sahig ng malaking silid
na may kisameng
abot langit.
Ipaghehele ka ng ugong
ng nagdaraan
at bulong-bulungan
ng palabas na
ikaw ang minsang pinagmamasdan.
Ibulong mo ang iyong panalangin,
pasasalamat o paghihinagpis,
na nawa
sa pagsikat ng araw, magkatotoo na
ang panaginip.
Ilang beses ka na bang pumipikit nang iniisip na hindi na sana muling didilat pa?
Mar 17, 2020
Mar 17, 2020 at 3:56 PM UTC
Sa pagdaan ng araw, nadaragdagan
Mga katanungan sa aking isipan
Ngunit paano ko nga ba sisimulan
Saan matatagpuan ang kasagutan
Tama ba na akin pang abuting pilit
Pangarap na noo'y ninais makamit
Kung katumbas nito ay hirap at sakit
Idagdag pa ang mga pangmamaliit
Minsan naisip ko, ano ba ang saysay?
Bakit patuloy pa tayong nabubuhay?
Nagtitiis sa mundong puno ng lumbay
Kung sa huli tayo rin ay mamamatay
Marahil ay alam ko naman ang sagot
Dito sa tanong ko na paikot-ikot
Ako ay sadya lamang na natatakot
Na lahat ay magiging isang bangungot
Nov 20, 2019
Nov 20, 2019 at 6:27 PM UTC
ang buhay
ay parang pagtawid
sa kalsada
tingin sa kanan
tingin sa kabila
nag aantay na maging
berde ang ilaw
na nasa kabila
mabilisang pagtawid
sa kalsadang abala
sumasabay sa mga taong
hindi kilala
wag kang tumawid
pag ang umilaw ay pula
mas mabuting mag-antay
kesa masagasaan ka
Jul 19, 2019
Jul 19, 2019 at 10:19 AM UTC
hindi mawari kung ano't sino ang totoo
dito sa ating magulong mundo
tunay nga't ang mga tao'y magkakaiba
at hindi maaring mapagkumpara
tunay nga't tayo ay may ugaling hindi nais
kapatid, ano pa't magmalinis pa.
May 30, 2019
May 30, 2019 at 1:43 PM UTC
Sa bawat paghakbang ng paang maputik,
anaki'y malugmok ang katawang impis.
Hindi iniinda ang ngawit ng bisig,
sa bawat paghampas ng pulpol na karit.
Mata'y pumapait sa agos ng pawis,
di ramdam ang init sa katawang manhid.
Sa bawat pagbuhos ng mumunting bagsik,
tila sumasaliw sa pintig ng dibdib.
Tinig ng sikmura'y parang humihibik,
lalong gumagatong sa hapo at sakit.
Pilit pinapawi sa tuwing iihip,
ang simoy ng hanging tila umaawit.
Sa gitna ng hirap na pinagdaanan,
ang tanging hiling sa Poong Maykapal.
Nawa'y didiligan ang sangkalupaan,
at binhi'y tutubo't ang punla'y mabuhay.
Sapagkat sa munting pawis-magsasaka,
sanlibong sikmura ang pinapasaya.
Ang tinik sa paang nakapanghihina,
Sanlibong katawan ang pinasisigla.
Ginaw ng tag-ulan at init ng sikat,
hindi iniinda kahit naghihirap.
Para may mahain sa mumunting hapag,
at pagsasaluhan na mayroong galak.
Ang iba'y inisip kung anong lutuin,
ngunit sa kanila'y mayr'on bang mahain.
Ito ba ang buhay, Diyos na mahabagin,
ang mga nagtanim salat sa makain?
Ganito ang buhay ng may gintong kamay,
na puno ng lipak, marumi't magaspang.
Subalit malinis ang pusong tinaglay,
bisig ng daigdig, sa pagod nabuhay.
Sila ang bayaning dapat na purihin,
sandata'y palakol, tumana'y suungin.
Sa bawat pagpatak ng pawis sa tanim,
katumbas ang bungang gumigintong butil.
©Raffy Love Canoy |May 2019|
May 29, 2019
May 29, 2019 at 8:24 AM UTC
Tatlong oras bago sumapit ang umaga,
Panibagong araw, bagong panimula.
Bigyang liwanag ang isang tulad niya,
At siya namang ikabubuhay ko...
May 17, 2019
May 17, 2019 at 2:51 PM UTC
Walang halaga ang mabuhay
sa mundong ibabaw
na puno ng kasinungalingang
ang lahat ay may pagkapantay-pantay,
na ang buhay
ay instrumento ng Diyos
upang gumawa
ng mabuti
sa kabila ng kakaharaping
unos;
Maghihirap kang
linangin ng 'yong mga kamay
at paa ang lupa,
magbubungkal,
magsisikap
na abutin ang mga pangarap
subalit sa huli
lilisan di't 'iwang lahat.
Apr 18, 2019
Apr 18, 2019 at 1:11 AM UTC
ako'y pupungas-pungas
ngunit pinili ang mata'y isarado
pinilit matulog, nagbabakasakaling
ang payapang panagip ay bumalik;
ako'y nasa lugar na nais
sa lugar na lahat ay tunay,
sa lugar kung saan walang madla,
sa lugar na malaya at walang nakakakita ng tunay na nadarama
sa likod ng ngiting pinapakita.
nakaupo sa pino
ngunit puting buhangin,
pinagmamasdan ang tulog na ulap
sa likod ng mga kumikinang na bituin,
at pinapakinggan ang tila walang sigla
na hampas ng alon sa dalampasigan
isip ko'y binabaha
ng mga salitang hindi mailabas,
sa tahimik na lugar na nais
nagtanong sa sarili,
"mayroon pa bang saysay
itong buhay na walang halaga?"
Feb 12, 2019
Feb 12, 2019 at 1:02 AM UTC
It's completely finished
But I started
Over again
From the top to bottom
But still,it seems
Unappreciated
Like you do to our
Relationship
Is totally you don't appriciate
So I leaving you a space
Every words that I called sentences
Like us that never
Contiguous
This is seems to be long
But you know you're always
Wrong
This is just my concise poem
That want to remind you
Remindful to you
That once in your
Life
There's one me
Who
Once was used to love you
Even you don't
Love me back as I do
Oct 9, 2017
Oct 9, 2017 at 8:43 AM UTC
My poem is me
Everything related to me
I saw myself like a paper
That lifeless without a letter
And my experience in my ballpen
When I mistaken
And then I'm going to erased
But then the mark is still there
Always reminds me my yesterday
So now I disided to used a pencil
So that my mistake
Will come to be lifeless and buried with a grave
Oct 10, 2017
Oct 10, 2017 at 8:15 AM UTC
Alam mo yung nakaiinis?
Hindi naman sa pagmamalinis;
Itong pait sadyang labis,
Pahingi naman ng konting bilis.
Dec 13, 2018
Dec 13, 2018 at 9:51 AM UTC
Bagong Kabanata ng buhay natin
May makikilala kang panibagong tao
Na makakapag pasaya sa buhay mo
At kakalimutan ang taong pasakit
Lang ang dulot sa buhay mo.
Oct 28, 2018
Oct 28, 2018 at 10:54 AM UTC
Sa mundo **** puno ng ingay,
Ako ay iyong pinatahimik.
Sa mundo kong alanganin ang lagay,
Ikaw ay hihintaying bumalik.
Mananahimik,
Upang gumaling.
Oct 28, 2018
Oct 28, 2018 at 8:59 AM UTC
Tila tayo'y hindi nagtatagpo
Kahit anong pilit ipagdikit.
Minsan, kailangan lumayo
Para lang mapalapit.
Oct 22, 2018
Oct 22, 2018 at 12:40 PM UTC
Kapag mainit, palalamigin.
Kapag malamig, paiinitin.
Nasa kumunoy ka, sa gilid may lubid at bato;
Maghihintay ka pa ba na may sumagip sayo?
Oct 15, 2018
Oct 15, 2018 at 6:21 PM UTC
Isang buwan ko rin hinangad mabuhay
Mundo ko ay pinuno mo ng kulay
Gusto sana mahawakan ang iyong kamay
Huli na ang halat, kasal mo ang patunay
Ngayon gusto ko nalang mahimlay
Sep 13, 2018
Sep 13, 2018 at 3:51 PM UTC
Huwag igaya ang sarili sa mga nakaraang bayani,
Nag aklas laban sa gobyerno para saan? para sa sarili?
Ngayon ang lungkot nang mga nangyayari dapat parin bang manatili?
Kahit san ka lumingon walang tama sa isip nang nakararami
Hinila ka pababa , masaya kaya sila sa kanilang ginawa
O Hindi parin tanggap ng kanilang ulo na wala naman silang nagagawa
Na tama , puro hangad ay kapangyarihan na patuloy umuusbong
at nagiging lason sa isip nang karamihan kaya ang buhay natin ay hindi magkasalubong
Minsan nga napagtanto ko na rin kelangan kong magpanggap
Humihiling na maging masaya sa gitna nang kalungkutan
Kahit na ganito ang sitwasyon sa aming bayan,
Pero ayos lang Kami kaya ang masasayang tao pag dating sa labas nang tahanan
Kaya nga minsan itinago ko nalang ang damdamin sa aking silid
At kahit anong sisid mo o pagmamasid sa aking isip ay hindi mo makakapa ang sinulid
Patungo sa tunay na nararamdaman ko at kung mga tao lang sa ating bayan
ang hindi makaunawa,wala na ba tayong magagawa? at habang buhay nalang silang maniniwala.
Feb 27, 2018
Feb 27, 2018 at 9:49 AM UTC
Espiritu ng Alak , Salamat sa mga pansamantalang galak,
Pinawi mo ang problema sa gabing maaliwalas,
Gusto ko nang iwanan ang mundo subalit salamat sa matindi **** "Tukso"
Lumakas ang loob , at gusto pang ipagpatuloy ang mahina kong pulso,
Ang mahina kong loob , na takot na muling masilayan ang kulay ng mundo,
Dahil tapos na , tapos na ang mga Araw at Gabi naglaho na ang kulay sa mundo ko.
Mga matitirang araw na kailangang ibahagi ko sa mga taong nagkulay noon ng mundo ko,
At sa bandang huli darating din ang araw na maiisip nyo ko,
Maiisip kung ano ang tama at mali,Mga bagay na gumugulo sa isipan nating mga tao .Teka,
Bakit pa ako naririto , kung papanaw din naman sa dulo,
Kumbaga nabuhay lang ako para makita nyo ang Ngiti ko hanggang sa pagpanaw ko.
Nov 19, 2017
Nov 19, 2017 at 11:20 AM UTC