hindi ko alam kung paano nagsimula
lalong hindi ko alam kung kailan magwawakas
ang alam ko lang ay mayroon
sakit ba ito?
sintomas ba ang mga munting kirot sa aking puso?
ang ngiting gumuguhit sa bigkas ng pangalan mo?
ang paglundag ng puso sa pagtama ng ating mga mata?
sakit ba ito?
sapagkat lumulubha ang aking mga iniinda
nagsimula sa mga paru-paro sa sikmura
sumunod ang pagbilis ng pintig ng puso,
ang paghabol ng hininga,
ang lumbay ng damdamin,
ang pagpatak ng mga luha
sakit ba ito?
dahil kung gayon ay ikaw ang lunas ko
at ikamamatay ko na lamang ang karamdamang ito
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 4:36 AM UTC