Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
moonymonay
moonymonay
mga gunita at hiraya
iginuhit kita sa piraso ng papel, gamit ang lapis na tinasahan ng talim ng mga katagang hindi masambit matapos ay nilagdaan, ng pangalang hiling na minsa'y marinig sa muling pagbuka ng iyong mga labing kay rikit kapagdaka'y inilagay sa kwadro ang larawang nilikha ipinatong sa lamesitang tabi ng papag upang kahit na ika'y 'di abot-tanaw ay para ring kapiling na
0
Dec 18, 2020
Dec 18, 2020 at 8:30 AM UTC
larawan
at sa huli, maaari lamang na manatili, maghintay, magluksa ikukubli ang nagpupuyos, damdaming nagbabaga maglalayag sa urong-sulong, at mababangis na mga daluyong tiyak man na 'di maglalaon ay lalamunin ng mga alon
0
Dec 18, 2020
Dec 18, 2020 at 8:26 AM UTC
daluyong
huli na nang malaman, ikaw pala ay bituin talagang lubhang naakit sa ningning na angkin lumipad nang napakalapit, nagningas ang bagwis naubusan ng hininga nang lumabas ng daigdig sa kawalan ng kalawakan, bumulusok nang kay bilis huli na nang malaman, ikaw pala ay bituin nakabibighani lamang sa malayong tingin
0
Dec 18, 2020
Dec 18, 2020 at 8:25 AM UTC
bituin
and in your silence, i hear you reverberating breaths lost in a long, twisting tunnel cloaked whispers of doubt followed by a thousand heartbeats echoing with the ghost of your last good night
0
May 10, 2020
May 10, 2020 at 12:48 AM UTC
reticence
a lot of moments i wish i can turn back time even a single minute would be sublime no, it's not to right a wrong i have done but to say the right words how my chances have gone now i'm left to wonder of what may have been take a second to ponder if only i was keen
0
Apr 25, 2020
Apr 25, 2020 at 2:34 AM UTC
rewind, please
she's here again they wonder why for she was held captive here on thorns, they made her lie they creep in the shadows watching her every move they wanted to know why but they dare not ask and try she weeps, she screams they couldn't hear but they just know for it shows in her eyes why is she here? why does she hide? why are the loudest of screams, the ones that are denied?
0
Apr 25, 2020
Apr 25, 2020 at 2:31 AM UTC
why?
blurry mists block the way a clear warning to veer away still i stand frozen to the ground, subliminally spellbound my bones are going numb, skin becoming blue, heart turning glass, then a hundred billion shards of mystical cosmic dust
0
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 3:15 AM UTC
stardust
tonight, sleep eludes me eyes remain on the ceiling, while i drift away into the night a canopy of stars blanket my being, the moon sings me a lullaby
0
Apr 23, 2020
Apr 23, 2020 at 3:14 AM UTC
drift away
munting mga sandali, malalim na kahulugan dahan-dahang pinasok ang puso unti-unting inukit ang pangalan pahihintulutan mo ba? na tumalon sa balon ng iyong mga mata hayaang hawakan, haplusin, yapusin ang nag-aalab na kaluluwa nawa'y iyong marapatin, inuhin, sapagkat pumanaog na itinulak ang sarili, ngayo'y nahuhulog na
0
Apr 21, 2020
Apr 21, 2020 at 9:28 PM UTC
balon