Ang 'yong mga ngiti, tawa at labi
Ang mga naging inspirasyon sa mga umagang parating,
At sa mga gabing parang saatin,
Sa mga nararamdaman na sobrang lalim parang galing pa sa salitang latin,
Mga salitang galing sa bibig mo na akala ko'y makakapagpagaling,
Makakapagpagaling ng sugat na bigay ng nakaraan,
Nakaraan mo at ng ala-ala nyo,
Na kahit kailan hindi ko mapapalitan,
Hindi ka man nya malapitan,
Patuloy pa rin ang takot sa multo ng iyong minsang naging tahanan,
Nagtapos man kayo ngunit hindi na ata matatapos ang sakit na sa twing pagbangon ko'y tila pagpapaalala na kahit ano mang pagpipilitan hindi ako magiging sya.
Nilalamon ng insekyuridad at lahat, alam kong mahal mo ako ngunit hindi sapat ang pagmamahal ko sa aking sarili kaya hindi ko alam kung ano ang dapat dahil sa sarili ako'y tapat na kahit kailan hindi kayang tapatan ng pangalawa ang una.
Maging unan ka man at kumot, wala pa ring mas sasapat sa unang nagpatahan sa'yo nung ika'y malungkot.
Alam kong ako'y paulit ulit nalang at ika'y naiinis na kakapa-alala na ako lang at wala ng iba,
Pero ang utak kong sulit dahil sa pag iisip
na walang hihigit sa nauna,
Isa lang ang iyong sinambit ngunit ito ay lahat "Kailan ba nauna ang panghuli?"
Aug 7, 2018
Aug 7, 2018 at 5:35 PM UTC