Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#nakaraan
Ngiti mo ay kay akit-akit, Mga mata mo'y puno nang pighati. Tila ito'y hibik ngunit walang kalatis. Kaibigan, mayroon bang bumabagabag sa iyong paglingap? Ipamarali mo at nang ika'y aking kalingain. Datapwa't ako'y walang sinuman gayunman ako'y may kahabagan. Kahit pilit **** inaakupado ang kanyang pag-iisip subalit pakatandaan na ang puso'y di marunong lumimot sa nakaraan. Ano ba ang dapat **** gawin upang ika'y mapansin? Hanggang kailan matatapos ang iyong kalumbayan? Hanggang kailan mo siya alpasan? Mauuwi na naman ba sa balitaktakan?
0
May 23, 2022
May 23, 2022 at 8:51 PM UTC
Ang Puso'y di marunong lumimot sa nakaraan
Ang 'yong mga ngiti, tawa at labi Ang mga naging inspirasyon sa mga umagang parating, At sa mga gabing parang saatin, Sa mga nararamdaman na sobrang lalim parang galing pa sa salitang latin, Mga salitang galing sa bibig mo na akala ko'y makakapagpagaling, Makakapagpagaling ng sugat na bigay ng nakaraan, Nakaraan mo at ng ala-ala nyo, Na kahit kailan hindi ko mapapalitan, Hindi ka man nya malapitan, Patuloy pa rin ang takot sa multo ng iyong minsang naging tahanan, Nagtapos man kayo ngunit hindi na ata matatapos ang sakit na sa twing pagbangon ko'y tila pagpapaalala na kahit ano mang pagpipilitan hindi ako magiging sya. Nilalamon ng insekyuridad at lahat, alam kong mahal mo ako ngunit hindi sapat ang pagmamahal ko sa aking sarili kaya hindi ko alam kung ano ang dapat dahil sa sarili ako'y tapat na kahit kailan hindi kayang tapatan ng pangalawa ang una. Maging unan ka man at kumot, wala pa ring mas sasapat sa unang nagpatahan sa'yo nung ika'y malungkot. Alam kong ako'y paulit ulit nalang at ika'y naiinis na kakapa-alala na ako lang at wala ng iba, Pero ang utak kong sulit dahil sa pag iisip na walang hihigit sa nauna, Isa lang ang iyong sinambit ngunit ito ay lahat "Kailan ba nauna ang panghuli?"
0
Aug 7, 2018
Aug 7, 2018 at 5:35 PM UTC
Panghuli
Tulala, nag-iisip, , kinakabahan Di malaman kung paano ka ulit pakikitunguhan Napapangiti tuwing naaalala ang nakaraan Ang nakaraan na tuwang tuwa sa aking katangahan Saksi ang langit kung paano tayo naging masaya Masaya sa piling ng isa't isa Na kung paano mo ako turuan ng iyong mga aral Ang mga aral na nagsasabi sakin na maging marangal Napailing na lang ako kasabay ng pagpatak ng likido Ang likido na nagpatunay na wala na ang ikaw at ako Ang gumising sakin na hindi na mababalik ang tayo Hindi dahil sa ikaw ay malayo kundi dahil ikay nalayo
0
Apr 8, 2018
Apr 8, 2018 at 6:10 AM UTC
Nakaraang Katangahan
Sa kabila ng ngiti ay ang pusong sugatan at umiiyak ‘Di mawala sa isip ang bangungot na halos gabi-gabing kumakatok sa pinto ng ala-ala Paggising ay panibagong umaga na nababalot ng liwanag at dilim Pinipilit kalimutan… Ngumingiti kahit nasasaktan. Ayaw maalala ang sumpa ng salitang kailanma’y di na magagamot Sa isipan ay mga bunganga ng taong nagagalit at sumisigaw Nais malimutan ngunit patuloy pa rin ang pagbalik Iwaksi man ng paulit-ulit ngunit para ng pilat sa katawan dulot ng malalim na taga. Lumayo para makalimot ngunit sa tuwing pumipikit ay naandoon ang nakakatakot na anino Anino na nakasakay sa likod habang ang mga kamay ay nakasakal sa leeg Hindi na makahinga parang mapuputulan na ng buhay Tumawag sa Kanya… Ipinakita ang halaga at kulay ng mundo Oh kadenang nakatali sa mga paa, sana ito’y mawala na Pagod na ang isip at ang puso ay umaayaw na Umaayaw sapagkat parang wala ng pag-asa Humahalik sa pangarap na kung minsan ay parang malabo nang matupad.
0
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 2:19 AM UTC
Anino ng Nakaraan
panahon nang sumulat… muli… hubaran ang puso’t bulatlatin ang mga alaala. para saan pa’t sa maraming tao’y inimbak ang luha ng nakaraan, kung ito’y kailanma’y hindi mapapakinabangan? kaya’t patawad, puso, sa aking sayo’y pagpapaluhang muli. salamat, isip, sa iyong pagpapaunlak sa hiling na paminsan pa’y isatitik silang kapagdaka’y lumisan din. 060915
0
Jun 8, 2015
Jun 8, 2015 at 1:43 PM UTC
panahon nang sumulat
Tangan ang mga halik mo Sa aking palad umaagos Ang damdamin minsan ay umalab Parang sigarilyong nauupos Dahan-dahang nauubos Kaya nga bang balikan ang kahapon Binaon na natin sa kahon Katulad ng mga dahon Nalanta at di na makaahon Kaya pa nga bang ibalik ang kahapon Sa saliw ng mga puso natin Ngayon ay uhaw sa pagsintang Naudlot ng pagkakataon -Tula III, Margaret Austin Go
0
Nov 20, 2014
Nov 20, 2014 at 5:24 AM UTC
Tula III