Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
Bato sa balat, Hayaan **** lumapat ang ‘yong kahinaan sa mahinahong baldosa Payagang lamig ay yumanig sa bawat panig ng iyong katawan Mula sa kalamlaman ng iyong talampakan hanggang umabot sa– Pagitan ng iyong mga hita, paakyat sa kalamnan, patungo sa dibdib Hanggang maramdaman nginig na dala ng iyong pag-iisa. Ipagpaliban mo muna ang mundo Ilaw sa paningin, Hayaan **** angkinin ka ng daang-daang mukhang nasasalamin sa bawat tisa Tignan ang iyong mga nakikita, ikaw ngayon ay nakakahon sa bato– At mga multo na iisa lang ang mga mukha’t hinaing Payagang ika’y ariin ng kanilang mga nanlilisik na titig, Huminga ng malalim at iyong sabihing Ginusto mo ang linggatong na ‘to Mata sa dutsa, Tumingala hanggang kadahilanan ay magunita Ang iyong katwiran kung bakit pinili mo ang kapangahasan Hamakin ang sarili’t magnilay-nilay sa nagbabadyang kasalanan ‘Di hamak naman na mas ikakasaya mo ang pait– Ng paglalapastangan sa sarili nang ilang makamundong saglit Pagbigayang mabasa ang sarili Silakbo sa kawalan, Ipikit ang mga mata’t pakiramdaman ang daloy ng tubig sa’yong balat Ipaanod sa agos ang haplos ng pighati’t pagtitimpi Sa mahigpit na bisig ng isang mapanghusgang mundo Tikman ang hagod ng malamig na pelus sa iyong mga labi Sumidhi sana ang pagdanak ng init ng pagnanasa sa bawat bena Mahalin mo ang iyong pagkatao Makipagtalik sa sarili, Ibigin **** maibigan ang pagiging makamundo’t makasalanan Ibaling ang pansin sa pagpapalabas ng himutok Muling sabihin na hindi makasarili ang pagnanasa sa sarili’t Ulit-ulitin ang pagbaluktot ng diwa’t isipan hanggang ito’y tumatak, Hanggang sa mabulalas mo ang iyong mga suliranin At matapos ang lahat ng iyon hindi mo maiiwasan– Pagkamuhi sa sarili.
0
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 1:20 PM UTC
Onanism

BrixArtan
Written by
Jun 9, 2018
Jun 9, 2018 at 1:20 PM UTC
Request permission to use this poem