Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#120615 Ba't naantig ang puso? **Sa ngiti **** walang pasubali.** Ba't pagsilip ang tugon? Bagamat palpak itong pag-ibig, Maling panimpla ng pag-ibig! *Sana'y maplantsa ko ang nakakunot **** noo,* Sana'y masalo ko ang ngiting sa iba ang tapon, *Sana'y mahawakan ko ang puso **** moog,* Sana, sana, bagkus ito'y nakatikom. Minsan, sana'y hindi nalang nagtapo, Minsan, sana'y hindi nalang nagpaubaya, Minsan, sana'y kinitil ang tibok. Ako'y haliging hinampas mo ng maso, Konkretong biniak-biak, Ilaw na pinatay-sindi't naging pundido. Ako'y halamang binunot, Telang pinunit at sinunog, **Papel na ginupit-gupit -- ** Ang saya'y naging sanay Hanggang maging sayang.
0
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 7:33 AM UTC
Sayang Sinanay at Sinayang

psalmiseta
Written by
33/F/Dubai
Dec 9, 2015
Dec 9, 2015 at 7:33 AM UTC
Request permission to use this poem