Sinigaw niya ang oras Buhat sa rehas na puno nang aral Tumugon ako't nabigla Pagkat bumantad ang iilang madla Dahan-dahang nilipad ng mga paa Patungong langit naman pala Ngunit naroon pala Ang anino **** may liwanag.
Tila ako'y tangan ng hangin Doon sa 'di inaasahang tagpuan Tumalisod ang puso Mabuti't nagising Tuloy lang ang lakarin.
Sa pangalawang pagkakataon Winaldas ko ang pagod Hindi patungo sayo Pero sa kabilang ibayong babagtasin.
Heto na naman, Parang itim at puti na lang sila At ikaw ang tanging may bahid ng kulay Kumidlat nga't hanggang sulyap na lang Parang wala namang ibig sabihin.
Magulong usapan, hindi nga ba? Ang lupon nila'y nilagpasan ko At sa kauna-unahang pagkakataon Ang hangi'y nag-ibang ihip Ngalan ko pala'y iniihip nito.
Pangalawang beses Ang eksenang nakalimbag Wala na namang kibuan Ang lapad ng balakid Mula sayo patungo sakin Simple lang naman, Wala namang nararapat na sambitin.
Paulit-ulit nga Marahil walang letrang Kinukumpas ng kampana Magulang usapan nga ba? Marahil hindi, Pagkat minsa'y di na kailangan ng salita.