Minsan magtataka ka Sa kung paano nagsimula Ano ang dulot o sanhi? Paano ang bukas Kung ang ngayon ay wala na.
Makitid ang daan Patungo sa kabilang espasyo Malayo sa drogang gamot daw.
Naryan ang nars Ang sekretaryang nanghihina Mga eroplanong papel Simbolo pala ng iilang humihinga.
Takot at may kirot Umuusbong ang sanhing nakakasuka Mga imaheng kilabot sa sikmura Walang nakaririnig Mananatiling pipi't bingi Kahit sandali, kahit sandali lang.
Itim ang kulay ng pag-asa Naroon ang pangarap Naroon ang solusyon Tila nag-aabang Sa kakarampot na grasya.
Akala ko may cyst ako, lycoma raw tawag sabi ni Doc pero kailangan pa rin alisin. Second minor surgery in my life.