Ang alab Mo’y minsang inalay sa’kin Syang naging mitsa ng pagkandirit ng himagsikan.
Ako’y nakakapaso Magbibigay-liwanag sa madilim na kinagisnan, Sa apat na sulok ng silid-aralan, Sa lipunang may mabigat na ginagampanan Tangan ang alab na umalarma sa pagkatao.
Nilisan ko ang liwanag Kung saan akala ko’y dapat na maging kasanayan. Ako’y Iyong tinubos Sa mapanghusgang lipunan May tatak sa noo, syang bukambibig ng madla Salamat, nang ako’y maging pag-aari Mo Nang ako’y pagharian Mo.
Gamitin Mo ako, Pagkat ang liwanag, ang katuturan Kailanma’y hindi mapupunan ng anumang salita Nang sinuman.. Kung ang alab ay hindi Ikaw ang sentro At kung ang lakas ay hindi mula Sayo.
Sukat ang buhay ko Bawat luha ko, akala ko’y walang silbi’t walang kwenta Ngunit iniipon Mo pala ang bawat butil nito Minsan pala’y nakapapaso rin ito Isalin **** muli, buohin Mo’t ihulma ang pagkatao.
Sayang.. Kung ang ilaw ay nakakahon Kung ang sisidlan ko’y hindi ko lilisanin Kung ang sarili’y hindi kikitilin Nang magkaroon ng pangalawang buhay.
May ilang gagambala Mga insektong hindi alam kung saan nagmula Mamumuhunan sila’t magiging igno sa liwanag At kung di lalakas ang alab, Ako pala’y matutupok.
At sa hanging iihip, Kung wala ang mainit na mga kamay Na siyang yayakap at hahagkan sa akin Ako’y maagang mahihimlay, Mawawalang saysay ang pagkatubos sa akin.
Ngunit ang alab na ito’y Kitilin man: kusa man at sa walang dahilan Maari pang mabuhay, sa ikalawang pagkakataon Sisindihang muli, Luluha sa hapdi’t kirot ng kahapon Ngunit ang bukas ay may kasiguraduhan Na ang tatahakin ay hindi na tulad nang ngayon.
Binibilang na ang oras Bawat minuto’t segundo Maaring mapagal at maagang tamlayin, Kung saan saksi ang kadiliman sa liwanag na taglay.
Ngunit bago maupos, Ako’y may aabutin Bawat sulok ay dadampian ng buhay At magmamarka sa bawat haligi Na kahit sa dilim, mayroong palang pag-asa.