Sutla ang iyong kutis, Ilang inches na heels iPad ang hawak Ayan pa’t naka-Rayban Kahit taglamig – Ganyan dito sa abroad Pasyal dito pasyal doon Higit sa lahat Hindi barya ang sahod.
Padala sa Pinas, Lahat ay winaldas Dami pang pasakalye Datong din pala Palaman ng inyong mensahe.
Aba’t bida pala si bunso Sa tropa’t sa eskwela Hindi ba’t astig? Pang-party nila’y Siya ang laging taya!
Ang binata ko’y Malaki na talaga Kapapanganak lang daw Ng bespren nya Anak, tanong lang ba’t sa handa nila’y Ikaw ang itinoka?
Ang ilaw ng tahanan Na siyang aking iniirog Sabay sa uso Nakasisilaw ang alahas Inubos ata ang bawat perlas Buti’t nakaahon pa’t Ayan, kay kumpare pa Siya’y nakakapit! At ang nararapat Na panglamang-tiyan Kulang pa pala Kanyang sinapupunan May bagong buhay Mahal, saan siya nanggaling?
Puso ko’y nalurak Ako’y inahas na Pinagsamantalahan pa Akala nila’y ok lang Akala ko’y may babalikan pa Yung totoo, Lata’y hiyang-hiya na Humihikbi ito Makatikim lamang ng barya Wala na ang sahod, Awitin ko’y “Palimos.”