Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sep 21
092125

Humihinga ako ngunit nasasakal na
Hinihila ng mga kumunoy
Na mismong ang mga buwaya
Ang may dala ng bulok na sistema.

Paano nga ba aangat ang Bayan ni Juan?
Kung sa rurok, sila-sila rin ang nagbabangayan!
Sino nga ba sa kanila? Tanong ng karamihan.
Bulag nga ba ang hustisya
O ito’y hawak lamang ng mga hangal sa kapangyarihan?

Kung ang pagtindig ay kasalanan sa iba,
Paano na lamang ang pagpikikit
Ng mga katauhang namulat na?

Pinaikut-ikot tayo, hindi ng tadhana
Bagkus ng mga ganid at walang modong
Mga kawatan ng Inang Bayan!
The Poetic Architect
Written by
The Poetic Architect  F/PPC Palawan, Philippines
(F/PPC Palawan, Philippines)   
Please log in to view and add comments on poems