Madaling araw, mata’y dumilat Bitbit pa rin ang pag-asang salat Kumakalam ang sikmura, pero ang lata, walang laman pa.
Naglakad muli sa kanto't eskinita Umulan—basa ang katawan, nanginginig sa ginaw Bumuhos man ang ulan, walang bumuhos na barya sa kanyang lata.
Isang matahimik na dasal ang binulong, “Panginoon, kahit konti lang po, tulong…” Ngunit ang mga tao’y nagmamadali Walang nakatingin, walang pumapansin.
Sa ilalim ng kariton, muling nahiga Yakap ang lata, iniisip pa ba siya? Kahit minsan mahirap maniwala, Bukas ulit, haharap sa mundo dala ang lata.