Mahiwaga ka nga aking Pag-ibig Tulad ng pagkahumaling ng mga mata ko sa iyo Paano ko ba mabibigyang tuon ang sineng pinapanuod Kung ang atensiyon ko ay nasa Iyo?
Mahiwaga ka nga aking Pag-ibig Kagaya ng mga paa kong walang kapaguran Aanhin ko ang destinasyon o pupuntahan Kung sigurado namang masaya dahil Ikaw ay nandiyan?
Mahiwaga ka nga aking Pag-ibig Kapareho ng mga kilig at tuwa sa aking damdamin O kay hirap namang ubusin ang pagkain na nasa hapag Kung sa mga ngiti mo lang ay busog na ang tiyan
Mahiwaga ka nga aking Pag-ibig Dahil natutong makuntento ang pusong ito Walang sinabi ang inaalok ng mundo Sa kagandahang taglay mo