Akala ko noon, sapat na ang mahalin, Na kapag totoo ka, 'di ka sasaktan. Ngunit natutunan kong kahit gaano kabuo, May pusong pipili pa ring lumayo.
Pinili kitang mahalin sa bawat araw, Sa bawat paghinga, ikaw ang dahilan. Ngunit kahit anong pilit kong hawakan, Ang isang pusong sawa, 'di na mapipigilan.
Akala ko ang βtayoβ ay pangmatagalan, Na kaya nating lagpasan ang bawat sugat at lamat. Pero hindi pala laging sapat ang dasal, Kung ikaw mismo, ay ayaw nang lumaban sa ating pagmamahalan.
Ang sakit, hindi lang sa pagkawala mo, Kundi sa tanong na: βSaan ba ako nagkulang saβyo?β Ginawa ko ang lahat, pati sarili'y kinalimutan, Pero sa dulo, ako pa rin ang iniwang luhaan.
Walang perpektong pag-ibigβoo nga, totoo. Pero sana, hindi ko nalang inialay lahat saβyo. Sana natutong magtira kahit kaunti, Para may natira sa sarili kong muli kong buuin.
Ngayon alam ko na, Ang tunay na trahedya ay hindi ang pag-iisa, Kundi ang manatiling umiibig Sa isang taong kayang mabuhay na wala ka.