Magsusulat ako ng mga salitang matulain kahit hindi ninyo ito basahin at tanggapin kahit ako lang ang tunay na papansin at aangkin Dahil masyado akong mausisa at malikhain
Tahimik ang paligid at nais ko sana magsulat Ibuhos ang lahat ng nais kong ipagtapat Mga bagay bagay na bumubulabog sa ‘king utak Ito’y mga salitang sa papel lang kayang isulat
Mahirap man unawain ang aking nararamdaman Ganun pa ma’y ipagpapatuloy ang makakagaan Sa ‘king pusong puno ng hinanakit ang nakadagan Ngayo’y bibigyan ng tinig sa blanking papel na tangan
Mga panahong nagmumokmok umiiyak sa sulok Ni walang nakakapansin sa mga matang malungkot Todo ang ngiti bagaman ang lungkot ay nasa likod Huwag lang mahalata ang mukhang may sama ng loob
May mga salitang sa papel lang kayang manatili Dahil ‘di na kayang bigkasin ng ating mga labi. Mga lungkot at galit sa puso’y sadyang iniukit Isusulat sa papel sa dingding doon ididkit