Kasabay ng iyong pagpikit ay ang imbay ng aking katawan, pag-alon ng mga balikat at pagkibit. Kasabay ng iyong pagtalikod ay akma akong aapak at papalakpak, dahan-dahang papalapit sa entablado. Kasabay ng iyong pagkukubli ng damdamin ay ang pag-muwestra ng tadhana sa akin, pag-gabay tungo sa kung ano ang tuwid. Kasabay ng pagtago ng nadaramang totoo, ay ang siya ring paghahanap ko ng sagot sa wariβy hindi mo masagot na tanong. At kasabay ng pagsasara nitong kurtina, ay ang paghinto sa pagpatak ng luha at ang ating maligayang paglaya. At kasabay ng pagdidilim nitong entablado ay ang kaliwanagan na di nahanap saβyo at ang aking pagsuko para sa teatro. At kasabay ng kanilang hikbi at palakpakan ang pinakahihintay na pag-uwi sa kawalan at pagsalubong sa sarswela na naman.