Hindi ako nangangambang Tabunan ng dilim ang liwanag ng araw Na sa kanyang pagsilang ay manlalabo rin Ang aking pananaw.
Pagkat mananatili ang Langit Hanggang sa aking huling Lupang Hinirang. At wala akong ibang nais na gawin Kundi pagmasdan ito At tingalain ang yaman nitong kagandahan.
Sa aking paggayak sa tabing dagat Ay tatawagin din ako ng Kanyang mga alon. At ang tanong ko’y Kanyang aakuin.
“Gaano nga ba kalawak ang Iyong pag-ibig?” Wari ko’y ilang dipa pa ba Hanggang sa marating ko Siya. Ngunit ako’y aakapin ng sumisipol na hangin. At ‘yan na marahil ang tugon Niya.
Sa aking pagsuyod Maabot lamang ang Kalangitan, At sa aking pagsisid Matiyak lamang ang lalim ng Karagatan — Walang ibang kasagutan Kundi ang natatangi **** Ngalan.
I was driving when God whispered to write about this poem. I said, “Lord, wait lang, isusulat ko. Uuwi lang ako.” And here I am writing what God wants me to write about. Thank You, Jesus Christ. Please overflow in my life.