Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2023
Sa gilid ng aking mga mata
Hinahayaan kitang pagmasdan
Para kang mga tala sa kalangitan
Na lumiliwanag gaya ng iyong mga mata

Wala na palang saysay ang aking pagtingin
Kung hindi naman ako ang hinahanap mo
Kung hindi pala ako ang pinapangarap mo
Mahirap man kasing aminin

Ang matagal ko nang gustong sabihin
Na ikaw lamang ang aking minimithi
Ang aking hinihiling
Puwede bang ako na lang

Tayo na lang
Ako na lang ang piliin mo
Tayo nalang ang magsama
Tayo na lang ang magmahalan, aking sinta

Oh, hindi ko maitanggi
Na ako sa iyo ay may lihim na pagtingin
Kusa kitang hiniling
Sana nga ay ako na ang gusto **** makasama

Mahal na mahal kita
Hindi kita iiwanan
Hindi papabayaan, lagi kang iingatan
Aalagaan, Oh aking sinta
eyndinmncnll
Written by
eyndinmncnll  23/F/Philippines
(23/F/Philippines)   
79
 
Please log in to view and add comments on poems