Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2023
Hihiwalayan, babalikan
Bibitawan, Hahabulin
Hihilingin ka ulit na mapasa’kin
Hihintayin ka ulit na babalik sa akin

Hihintayin, Papatawarin
Tatanggapin, Mamahalin sa uulitin
Wag kang mag-alala
Huwag kang mangamba

Ikaw ay tatanggapin pa rin
Ang aking paulit-ulit na hihilingin
Kahit na isang saglit
Kahit na masakit

Dahil ikaw pa rin ay aking mahal
Kahit gaano man ka-tagal
Hihintayin kitang bumalik
Sa iyo pa rin ako ay nananabik

Ikaw pa rin ang babalik-balikan
Oh, ang aking babalik-balikan

Naghihintay sa wala
Umaasa pa rin sa wala
Di alam kung may pag-asa pa
Kung kailan mo ako babalikan

Ako ang naghabol kahit hindi naman ako Ang nang-iwan
Basta’t alam ko
Na hindi ako ang lugi sa dulo

At least hindi ako naging sakit sa ulo
Binigay ko man lahat
Kulang man o sapat
Sa aking piling naman ay
Nakita kitang sumaya

Bakit kinailangan pa na maghiwalay ?
Sana nga ay bumalik ka na

Naging masaya naman ako nang wala ka na
Nabuo ko naman sarili ko
Ng wala ang tulong mo
Pagkat mayroong puwang dito sa puso ko

Na ikaw lamang ang makaka-puna
Dahil ikaw lang langga ay sapat na

Nagbago man ang lahat sa akin
Ngunit ang nararamdaman ko sa’yo
Ay mananatili at hindi magbabago kailanman
Hindi ko na kailangang sabihin:

Na babalikan mo ako o huwag na
Basta’t hindi kita susukuan
eyndinmncnll
Written by
eyndinmncnll  23/F/Philippines
(23/F/Philippines)   
59
 
Please log in to view and add comments on poems