Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Aug 2023
Puso ko’y umaapaw sa tuwa
Sa tuwing ikaw ang kausap buong magdamag
Na para bang sa bawat minuto ako ay napapalundag
Dahil sa ako ay iyong napasaya

Kaya’t sana ay huwag kang magbago
Huwag kang mag-alala nandito lang ako
Naghihitay palagi para sa’yo
Kaya’t walang susuko

Laging ikaw ang nasa isip
Ang nasa aking panaginip
Laging ang pangalan mo
Ang sigaw ng aking puso

Laging ikaw ang gustong hanap ng aking mga mata
Pagkadilat ko pa lang sa umaga
Laging ikaw lamang ang gustong makatabi
Mapa-umaga man hanggang gabi

Laging ikaw lamang ang magmamay-ari ng aking puso
Pangako, mananatili akong sa’yo
Basta’t laging ikaw lamang
Laging ikaw lamang

Malayo man tayo sa isa’t-isa
Hindi man tayo laging magkasama
Basta’t iyong tatandaan
Ang puso ko’y sa iyo lamang nakalaan

Pangako, mananatili tayong buo
Hanggang sa dulo
At kahit saan man mapunta
Ako’y ‘di na kailangan mangamba

Sa iyo lamang akong talaga
Laging ikaw ang nasa aking isip
Laging ikaw ang nasa aking panaginip
Ang puso ko’y sa’yo lang talaga
eyndinmncnll
Written by
eyndinmncnll  23/F/Philippines
(23/F/Philippines)   
80
 
Please log in to view and add comments on poems