Dakila ang Iyong Ngalan — Walang makapapantay Sa’Yo. Ikaw ang Himig sa aming pagsamba, Ang Liwanag sa mundo naming kaydilim.
Ilapit Mo kami Sa’yo, Nawa’y ang aming pagsinta’y Maging kanais-nais na samyo Sa trono **** banal At sa pag-ibig **** hindi pabagu-bago.
Hubad man ang aming pagkatao’y Hindi ito naging hadlang Para kami’y Iyong tawagin — At kusa **** akayin Ng wagas **** pag-ibig At bihisan nang walang anumang bahid Ng paghuhusga’t pagkukutya.
Putik man ang aming pinagmulan Ngunit kami’y Iyong hiningahan Ng buhay na sa huli’y Sa’Yo rin ang katapusan. Ikaw ang simula at ang wakas — Sa’yo nagmumula ang dunong at lakas.
Sa’yo iaalay ang buhay na hiram Sa’yo igagawad ang lahat ng papuri’t pagsamba. Salamat, Panginoon! Ikaw ay Dakila! Maligayang Anibersaryo, LifeChurch! Kaybuti ng Diyos!!!