Hindi ang dalawang katawang lupa ang Nagniniig, nagsasanib ngayong gabi. Tangay ng Daluyong na pumapaindayog sa bawat Paghagod, pagkumpas sa ritmo at ritwal
Ng pagsamba sa dambana ng laman, Katas at dahas ng magdamag, sabay Tayong lumalaya sa hangganan ng Pag-ibig ng mortal nating katawan.
Hindi ang pag-ungol o ang malalim Na pagbaon ng mga kuko sa talim Ng bawat lihim ng silid na ito ang Hahadlang sa atin patungo sa wagas na
Pag-ibig. Pakatandaan mo, lilipas ang Alindog at handog na kagandahan ng Katawang lupang kusang bumabalik, Humahalik sa paanan ni Kamatayan,
Ngunit hindi kailanman ang wagas Na katotohanang sa gabing ito, hindi Ang dalawang katawang lupa ang Nagniniig, nagsasanib, kundi tayo,