Nagkakilala tayo sa mga panahon na kailangan ko ng saya Pinaramdam sakin na d ako mag-iisa At dahil dun ay nahulog ako sayo sinta Ngunit ako'y nabigo at nawalan ng pag-asa
Tinigilan kong kausapin ka Sinubukan ko ngunit d ko kinaya Ang puso ko'y hinahanap hanap ka Sa isipan ko'y hindi na talaga mawala wala
Kaya aking sinubukan ulit Kahit na masaktan akin paring pinilit Mabigo man ulit Okay lang basta sa babaeng aking iniibig
Ngunit ngayo'y nag-iba, sayo ako'y hindi nabigo Ako'y iyong binigyan nang pag-asa Hindi ka sasaktan yan ang aking pinapangako Sa aking pagmamahal ikaw ay makakaasa
Hindi pa man tayo ganun katagal Pero sigurado akong tayo'y magtatagal Kahit minsan relasyon ay tumatamlay Wag kang mag-alala hanggang dulo hahawakan ko ang iyong mga kamay
Para sa babaeng pinakamamahal ko, Wag kana sanang maglaho pa sa piling ko Pangako ko hindi ko sasayangin ang isang tulad mo Pag-asa ang dala saakin ng isang tulad mo
Hanggang dulo na sana Pag-iibigan nating dalawa Wala sanang makagiba Sa mga pangako natin para sa isa't isa
Mahal, panghahawakan ko ang ating pag-iibigan Walang hanggang yan ang aking aasahan Makasama ka hanggang kailanman Walang gigiba sa ating pagmamahalan
Mahal na mahal kita iyan ang pakakatandaan Kahit anong mangyari hindi ka iiwan Sa altar ika'y pagmamasadan Hanggang salitang "oo" ay iyong mabitawan