Sa likod ng mga palakpakan At nag-aawitang mga tinig na hindi nagpapataasan, Ay dumudungaw ang aking pangamba — Ang takot kong nagmimitsang lisanin ko na ang lahat..
Gusto kong manahimik ang lahat — At sa kabila ng mga nakasisindak na mga tinig, Ay unti-unti kong hahagilapin ang liwanag, Pagkat minsan, ako ri’y nabubulag Sa kamangmangan ng mundo.