Waring alabok na dinuyan ng hangin Pagdakay naparam na balintataw sa paningin Ang patak ng kabuluhan sa ganang akin Tila sa sayaw ng mundo nakikipag piging
Hindi nga akma sa daigdig na mapaniil Ang musmos na anyo na nasisiil Ngunit kung mag mukmok di papipigil Ang Sanlibutang nangangalit at nanggigigil
At sa sinomang bumigkas noo ay mangongonot Waring tiwala'y lubusan nang pinagdadamot Sa pag bihis ng panahong umiiksi ang kumot Hangal namang patuloy na namamaluktot
Kung may mga susunod pang pagkakataon Nais ay suwail naman ang ganap na yaon Pagal na sa maginoong landas paroon Paumanhin sa himutok ng batang gising sa ngayon.