Saan nga ba tutungo ang mga salita? Mga salitang mitsa ng mga ngiting abot-langit. Mga salitang noon pa sana'y nabitawan Mga salitang matagal na hinintay at ipinagdasal.
May mga alaalang akala ko'y nanatiling abo na. At sa aking pagbabakasali noo'y Baka nga kaya pang mag-krus ang mga landas Sa daang ilang mga ekstranghero na ang nagdaan.
Sa bawat sandalyas na hindi tiyak ang pinagmulan, Nangusap ang pusong wag muna't maghintay. At habang nagbibilang ng mga rosas na pula'y Mayroong nag-iisang puting isinaboy buhat sa kalangitan.
Sambit ko nga'y sana'y sapat na ang mga panahong binilang Ngunit ang mga pahina sa kalendaryo'y tila ba naglagasan -- Naglagasan nang walang pasabi't Nag-iwan ng mga luhang nag-uumapaw.
Natuklasan kong sa buhay na minsang ma'y lumilisan, Minsan di'y may ilang babalik nang kusa. Gaya ng tagsibol, ay magsisimulang mamulaklak muli Ang mga rosas na akala kong nahimlay na sa libingan.