Nagbago na ang lahat Lumitaw na rin ang tunay mo'ng balat Tila katulad ng aklat Na malayo ang istorya sa pamagat
Sa patibong mo'y muntik na akong kumagat Ngunit kahit ganoon ako sayo'y naging tapat Ikaw'y ay ahas na naghihintay na kumagat At ang kamandag mo'y walang lunas na katapat
Ako sayo'y hindi pa ba sapat? Turing ko'y iisa ang dugo sa ating mga ugat Ngunit ang pangil mo'y sa leeg ko'y lumapat Hindi mo na maibabalik kung ano man ang dapat.