Gusto ko nang gumaling — Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko Paulit-ulit kong panalangin. Pero naisip ko rin, Kaya ko bang gumaling nang walang gamot?
Sa paghihintay kong hindi nakapila, Sa paghihintay ko sa oras kong itinakda — Sa oras ko nang pagsalang.. Gusto ko naman sanang “Magaling na ako Bago ako mag-undergo ng test.”
Naisip ko, sa ganitong estado pala’y Gaya pala ito ng paghihintay Sa pagbabalik ni Hesus.. Na ang nais ko lamang Ay matagpuan Nya akong “magaling na” Sa anumang sakit at sumpang dumapo sa akin.
Sa bawat pagsikat ng araw At sa bawat pagsipat ko sa bagong buhay, Ang tanging lunas pa rin Ay ang presensya Nya.. Walang ibang kasagutan Sa paghilom ng aking pagkatao Kundi Sya’t Sya pa rin naman talaga.
Hindi ko naman pwedeng madalian Ang oras ko tapos hindi pala ako handa Hindi pala ako naghahanda Sa pagbabalik Nya. Yung wala pala akong ginagawa Habang naghihintay ako sa pagdating Nya.
Isinasariwa ko kung ano ba dapat Ang laman ng puso ko. Dapat kasi hindi ako maligaw ng landas Lahat kasi ng “dapat” maggawa ko.. Pero hindi eh.. Gusto lang ng Panginoon Na maging totoo ako sa sarili ko, Maging totoo ako sa Kanya.. Hindi ko kailangang itago Yung mga kamalian ko sa buhay, Walang pagpapanggap.