Sa dinami rami ng tulang naisulat ko, ito ang aking paborito, ito ang ayaw kong lagyan ng tuldok; at gusto ko sanang samahan ng ritmo, hindi ko alam kung anong napansin ko sa'yo, o kung ano mang mahika ang ginamit mo para mapaibig ako, oo, inaamin ko, ikaw ang tulang ayaw kong matapos, gusto kong sulitin at ubusin ang pantig, hanggang sa maghikaos; hanggang sa mabuos ang tinta ng ginagamit kong panulat, ikaw ang bituin na aking tititigan hanggang sa lumubog ang buwan, ikaw ang aking nanaising mahawakan- habang natatakot, habang iniisip na ang bukas ay baka sakaling hindi na ikaw ang katabi, na baka bukas ay nasa ibang bisig- o sa iba na nakalapat ang 'yong labi. ayokong matapos ng umaga ng walang pasintabi, ayokong mawala ka sa'kin nang hindi kita nayayakap, at kapag nakagapos na'ko; asahan **** hindi ako bibitaw, aantayin ko ang muling pagsikat ng araw, para mapanatag ang aking isip, na sa aking paggising, ay hindi ka pa nakabitaw.