Ito ang umagang Nanaisin kong huminto muna ang Araw nang saglit Kung pwede bang manatili muna Sya At ako’y hayaang pagmasdan Ang kanyang kariktan.
Nais kong bumilad sa sinag ng Araw At magpasakop sa Liwanag Nyang taglay Nais kong malusaw ang bawat kamalian, Ang bawat pagkukunwari.. Pagkat ayoko na.. Ayoko nang magpanggap pa.. Na kaya kong mag-isa Mag-isa na wala ang mga kamay Nya Ang mga gabay Nya Na maging sa gabi’y Nasisilayan ko pa rin Ang kanyang anino sa aking pagpikit.
Gusto kong huminto ang Araw, At ako’y makita Nya.. Kahit isang iglap.. Kahit isang saglit lang.. Kung pwede lang.. Wag Mo akong Iwan Na sa gabi’y Ikaw ang magbigay Ilaw sa aking landas At ako’y yakapin At ang Iyong sinag Ang magsisilbing lakas Sa bawat pagbangon ko sa Umaga..
Sayo ako magsisimula, At ayokong ito’y magwakas Na para bang nalimot ko Ang lahat ng mga misteryong Iyong ipinakita Iyong ipanaranas.
Ayokong dumating sa katapusan Na ako’y walang muang Na Ikaw ang aking Simula.. Ayokong magtagpo tayo Sa gitna ng aking mga kamalian — Mga kamaliang hindi ko itinama Kahit na pinagbuksan Mo na ako Sa panibagong Umaga.
Kung ang bawat araw na lumilipas Ay siya ring mga pahina ng aking buhay, Bakit pa.. Bakit ko pa hahayaang Dilim ang magsilbing umaga? Kung Ikaw naman ang tunay na Simula ng lahat.. Kung landas ko nama’y Kayang-kaya **** bigyang liwanag At lahat ng masasaklawan ng aking mga mata Ay simbolo ng Iyong paghahari. Lilikumin Mo ang lahat Gamit ang Iyong Liwanag At ang lahat ng mga naggising Buhat sa pagkakahimbing At mga bangungot na tila walang katapusan Ay sabay-sabay na babangon At lalakad sa Liwanag na Iyong hain.
Masisilayan ko rin ang mga ngiti Ng pagpupunyagi at tagumpay Na walang balot ng anumang pagkukunwari, Walang tampo’t galit Na bumabalot sa bawat katauhan Kung saan hubad ang lahat Ngunit tanggap Mo ang lahat Ang lahat ng mga nabago ng Iyong Liwanag Ay kusang sisibol at uusbong Ng may papuri at hindi parang Mga paupos na kandila Na nauubusan rin ng lakas. Ngunit sila’y tila mga tanim Na Iyong dinidiligan sa bawat araw — Mga ginintuang araw Na hindi gaya ngayong kukupas din..
Balang araw, ang lahat ng salitang Mamumutawi sa bawat labi’y May iisang sigaw May iisang palamuti na ibabandera At susuko sa Iyong kabutihan. Ang bawat nilalang Ay mabinihag sa Iyong kaluwalhatian At hindi na.. Hindi na mauubusan pa ng Liwanag, Ikaw mismo ang magkukusang Punasan ang mga matang lumuluha, Lumuluha buhat sa paghihintay.. Pagkat nariyan ka na.. Nariyan na ang Iyong kaligtasan.
Ikaw, sa bawat oras Sa bawat sandali’y Ikaw pa rin ang maging dahilan Ng pagtibok ng akibg puso Ang maging sigaw Ng aking napapaos na lalamunan. Ikaw ang maging dahilan.. Ng aking pagtaas ng kamay At sa ere’y hindi Mo ako iiwan, Ni hindi Mo ako kinalimutan.. Ikaw, ang Araw at Gabi.. Sayo ang aking papuri!