Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Apr 2021
sa totoo lang, hindi naman talaga ako umiinom ng alak para makatakas sa lungkot at sa mga ideyang baka pwede ba o baka pwede pa.

kahit hindi ako lango ay gan'on pa rin naman. hindi ka na babalik.

napapadalas lang ang pag-inom, sapagkat nakakatulog ako nang hindi ka iniisip; nakakatulog na hindi ka laman ng bawat panaginip.
at sa pagsapit ng umaga, maaalala na naman kita.
dahil kapag lasing lamang may kakayahan makapagsabi ng mga salitang hindi kayang sabihin.
kahel
Written by
kahel
  351
 
Please log in to view and add comments on poems