isang hawak na di ginusto nagsimula sa panghihipo pag iisip mo'y kasing dumi ng burak sa estero nalilito natutuliro magsasalita ba ako? kapangyarihan mo'y inabuso ginamit para bumango ang pangalan mo para maitago mo ang halimaw na nagbigay ng lamat sa buhay ko.
Isang gabi! isang gabi lang! nadurog ang pagkatao ko. kinulong mo sa madilim na nakaraan tulad ng pagkulong mo sa akin sa madilim at maliit na kwartong iyon mabilis ang pintig naririnig bawat kabog ng dibdib paralisa ang katawan di makasigaw tulong! tulong! mga salitang tila naipit sa aking lalamunan.
halik na di ko ginusto yakap na di ko hiniling sayo mga hawak sa aking katawan nandidiri ako sayo seksuwal na panghahalay di ko nararapat pagdaanan
lamat na di malilimutan lamat na mananatiling parte ng nakaraan di mo na ko maapektuhan ang lamat na bigay mo ang aapakan ko ang magiging boses ko
para maparating ang mensaheng ito
walang sinuman ang dapat makaranas nito! walang sinuman ang dapat mabuhay ng may takot mangyari ulit sa kanila ito. walang babae ang mahahalay base sa kanilang pananamit, kilos o pananalita.
ang lamat na bigay mo, andito man ito pero di na ito hadlang sa muling pag ahon ko.